Chapter 43

13 2 0
                                    

SUHO

"Team leaders, you can choose your co-leader in your team but your co-leader must be your opposite gender" sabi ng host ng activity namin "You will be safe here, the staffs are everywhere and you can ask them one question only"

"So, can we go to our team now?" tanong ng isang babaeng inip na inip na

"Yes, you may go. Your guides and hints will be given before we start the race"

Isa-isa na kaming umalis sa motorhome kung saan kami nag-meeting para sa activity ngayong araw. Dumeretso ako sa lugar kung nasaan ang WAOA PH at yung pitong lalaki na galing Korea

Naabutan ko sila dun na nagkukulitan at maingay. Meron din namang tahimik katulad ni Jessie na katabi na naman si Jackson at Bambam. Ngunit mukhang wala naman siyang pakialam dahil sa may nakasaksak na earphones sa tenga nito

"Everyone, Listen up" nagboses na ako at nagsitahimikan naman sila "So we will be having the amazing race for the day. But I need a co-leader to help me and it should be a girl"

Tinaas ni Chanyeol ang kamay niya "Si Summer pwedeng mag-leader" aniya "But she's mine so sorry"

Inirapan ko na lang siya, pinagtitripan na naman ako nito "I think pwede natin 'tong idaan sa election"

Nag-agree naman sila "Basta lahat ng girls nominated na" singit ni Xiumin na suot-suot yung pilyong ngiti niya. Kinuha ko na lang yung ballpen at papel sa tabi. Sinulat ko na rin yung pangalan ng lahat ng girls na andito

Nag-botohan na rin pero hindi tinataas ng EXO at ang mga girlfriend nila. Si Ej, Jade, at yung pitong lalaki lang ang nagpa-participate. Ngunit, nung tanungin ko na kung sino yung gusto kay Jessie ay itinaas nila ang kanilang kamay. Kasama na rin si Louise at si Bambam

"I think si Jessie na ang co-leader mo" sabi ni Xiumin habang nakangisi. Siya ba ang may plano nito?

"Yun ay kung okay lang sa'yo" tanong ko kay Jessie na mukhang nagulat sa pangyayari

JESSIE

Lahat sila ay nakatingin sa akin. Bakit naman nila naisipang gawin sakin 'to? Pinaglalapit ba nila ako kay Suho? Hindi na siya sa akin. Wala na akong magagawa dahil yun ang gusto ni Papa, ang ipakasal ako ki Xiumin

Pero wala akong magagawa ngayon dahil kagustuhan ng karamihan na ako ang maging co-leader ni Suho. Kaya, tumango na lang ako sa kagustuhan nila. Last day na rin naman ngayon

"Okay, then. Pwede daw tayong kumain muna, maya-maya pa naman daw magsisimula"

Umalis na sila at sinaksak ko na lang ulit yung earphones sa tenga ko. Busog pa naman ako. Tumingin ako sa paligid at nakita kong andito pala rin si Suho, Jackson at Bambam

Nakita kong papalapit si Suho nang tanggalin ni Jackson ang earphones ko "Hindi ka kakain?" tanong niya

"Hindi" at sinaksak ko na ulit yung earphones ko sa tenga ko. Tinignan ko si Suho, nakatingin siya sa malayo. Ngunit hinawakan ni Bambam yung kamay ko kaya tinanggal ko na yung earphones at tinigil ko na din yung nagpe-play na music

"Can we talk?" tanong niya

"Tungkol san?" hindi niya sinagot yung tanong ko at hinila na lang ako. Siguro ay ayaw niyang marinig ni Suho ang kung ano man ang sasabihin niya

Tumigil kami sa sapa. Tinignan ko siya na nagtataka kung bakit niya ako kinaladkad sa ganitong lugar

"Ganyan ka ba talaga?" tanong niya

"What are you talking about?" malamig na tanong ko sa kanya. Kilala niya ako?

"Alam mo, matagal na kitang gusto" banggit niya "Pero nagparaya na ako nung mga bata pa lang tayo"

[[EXO]] We Are One AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon