Chapter 38

18 1 0
                                    

***


Pagod na pagod na dumating ang team ng WAOA Philippines sa London. May oras din naman silang maghpahinga marahil sa susunod na araw pa naman magsisimula ang mga activity


Sa isang hotel na kaso-syo ng eskwelahan sila pansamantala habang nasa London sila


"Guys, ayusin muna natin yung mga gamit tapos magpahinga na muna tayo. Then yung gustong umalis okay lang basta magsabi sa akin" sabi ng kanilang team leader na si Suho. Ang mga professors na nag-eescort kasi sa kanila ay pinatawag agad para sa isang importanteng meeting



Itinaas ni Jane ang kanyang kamay "Aalis muna ako. May bibisitahin lang kasi ako" pagpapaalam niya


"Okay" walang emosyong sabi ni Suho. Mabilis din naman na nagreact ang mga nakakaalam sa pagpapanggap nito ngunit pinipigilan nila na ilabas ang kanilang mga tawa dahil sa ayaw nitong makahalata si Jane



Sa kabilang banda, may pinaplanong kakaiba ang ibang mga babae at ang EXO maliban na lang sa walang ka-alam alam na si Tao. Kaarawan kasi nito ngayon ngunit wala ni isa ang nag-abalang bumati sa kanya kahit na ang kaniyang girlfriend na si Cara na siyang naka-isip ng ganitong handaan



Dahil na ata sa pagtatampo kung bakit dumeretso si Tao sa kaniyang kwarto na kung saan ay kasama niya si Kris, Sehun at Luhan



"Hindi ba nila alam na birthday ko ngayon?" tanong nito sa kaniyang sarili "Kahit man lang si Cara?"



Naghiga na lang ito para matulog. Ngunit kahit anong pilit nito sa kaniyang sarili upang matulog, ay hindi pa rin siya makatulog. Kaya tumayo na lang ito at nagbihis



"Asan na ba sila?" tanong nito habang nakaharap sa salamin habang nag-aayos. Pagkatapos nito, lumabas siya para puntahan si Cara kahit na nagtatampo ito dahil sa pag-aakala niyang nakalimutan nito ang kaniyang kaarawan



Kumatok ito sa kwarto kung saan naka-assign si Cara. Ngunit si Jessie ang nakita niya na nagbukas nito at tinaasan na lang siya ng kilay na nagtatanong kung anong kailangan nito


"Si Cara?" deretsahang tanong ni nito sa kanya


"Lumabas" casual na sagot nito sa kanya



"Ah ganun ba? Pakisabi na lang na maglilibot lang muna ako" tumango na lang ito at sinara ang pinto.



TAO



Andito ako ngayon sa isang coffee shop. Mag-isa lang ako kahit na birthday ko. Wala man lang sa kanila naka-alala sa birthday ko?


[[EXO]] We Are One AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon