Chapter 21.2

33 3 2
                                    

JHASTINE

 

“Hindi pa rin ako sa’yo naniniwala, Kai” mariin kong sabi sakanya na medyo ikinalungkot ng mukha niya

“Siguro dahil sa alam ng lahat na cassanova ako. At siguro akala mo na lolokohin at papaiyakin lang kita” sabi niya “Pero bigyan mo ako ng chance para patunayan sa’yo na nagbago na ako”

 

“Pero paano kung…” hindi na ako nakapag-salita kasi hinawakan niya ang kamay ko at linagay sa dibdib niya

“Nakakainis ka” banggit niya “Dati hindi ko naman nararamdaman ‘to kahit sa mga kahalikan ko pero nang sinabi sa’kin ni Dyo na ikaw si Jhastine hindi na huminto o bumagal ang pagtibok nito”

 

Pinakiramdaman ko nga ang tibok ng puso niya gamit ng kamay na hawak niya sa may dibdib nito. Mabilis nga… ‘Yun ang nararamdaman ko pero bakit parang nakikisabay ang pulso ko sa pagtibok nito?

Nagkakagusto na ba ako sakanya?

 

Pero bakit? Kailan? Paano?

Marahil sa katext ko siya. Doon ko nakita ang tinatago niyang side kahit na nagpakilala siya bilang Kristopher pero mukhang totoo naman ang pinapakita niya sa akin

“Kai…” sinubukan kong  tanggalin ang pagkakahawak niya sa’kin pero mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakawak dito

 

“Bibitawan ko lang ‘to pag sinabi mong bibigyan mo ako ng chance na makilala mo pa ako lalo” pagmamatigas niya

“Oo na, ibibigay ko na yung gusto mo pero” tumigil ako sandali at pumikit. Hindi ko alam kung ano talaga ang gagawin ko pero bahala na at sana hindi ako magsisi sa desisyong ‘to “Pero isang chance lang ‘to. Sana patunayan mo talaga na totoo ang sinasabi mo”

 

Ngumiti siya at binaba ang kamay naming pareho pero hawak-hawak niya pa rin ‘to nguit hindi na ganun ka-higpit katulad kanina “Salamat”

 

 

 

JESSIE

 

“Si Kai na ba at si Jhastine?” malaman na tanong ni Stacy kaya napatingin kaming lahat sa kanya

“Imposible. Diba, ayaw ni Jhastine sa cassanovang yun?” ani ni Cara

“Pero ano yung sinasabi ni Chanyeol na gagawin nila para kina Jhastine at Kai kanina?” pabalik na tanong ni Stacy

“Aba malay ko” sagot naman ni Cara

Si Jhastine at si Kai? Ang alam ko ayaw ni Jhastine sa mga babaero na katulad ng Jong In na yun

[[EXO]] We Are One AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon