Chapter 46

18 2 2
                                    

MILES



Nakauwi na rin ako sa bahay ko. Mag-isa lang naman ako kaya walang sasalubong sa akin pero may kakilala ako na minsan ko ng tinuturing na ina pero medyo malayo sa bahay ko


Nagluto na ako at kumain ng tanghalian. Sobra ang niluto ko at dadalhin ko yun kay Tita Beth. Nasa may gate ko siya nakita may nakayakap sa kaniyang lalaki. Boyfriend niya ba? Pero mukha kasing mas matanda siya at familiar yung lalaki


"Anjan na pala si May" sabi nito at kumawala sa yakap yung pamilyar na lalaki. Lumingon ito sa akin at nakita ko siya



Ba't siya andito at bakit yakap niya si Tita Beth? May relasyon ba sila? Pero hindi ako tumakbo, tinignan ko siya pero lumapit ako kay tita


"Tita, eto po. Luto ko" sabi ko sa kanya



"Salamat, anak. Nga pala, pasok ka muna" yaya niya



"Ay, wag na po mukha kasing may bisita kayo" pagtatanggi ko sa alok niya



"No, pumasok ka na" pag-iinsist niya kaya napilitan na akong pumasok sa loob. Umupo ako sa sofa at ganun din ang ginawa ni Chen. Tinignan ko siya, nakatingin siya sa akin ng nakakaloko. Ano ang gusto niyang palabasin? Proud pa siya na may iba siya at mas matanda pa sa kanya? Hindi ba sapat ang pera ng papa niya?



"Kumain ka na May?" napatingin ako sa kanya habang nagtatanong at tumango ako. Mukhang masaya siya ngayon. Siguro ay dahil sa andito si Chen ngayon. Ngayon ko lang kasi nakita ang ganyang aura niya "Nga pala, hindi ko pa napapakilala sa'yo ang pinakamahalagang lalaki sa mundo ko, si Chen"



I took a deep breath "Tita, kilala ko siya" sabi ko sa kanya na siyang ikinagulat niya



"Anak?" anak niya si Chen? Napatingin ako kay Chen at tumatawa siya. Nanay niya si Tita Beth?



"Ma, girlfriend ko siya" masayang sagot ni Chen at tumabi siya sa akin "Akala niya nga kung ano na ang relasyon nating dalawa" sabi niya at tumawa ng malakas. Napatingin ako kay tita nakangiti siya sa amin ni Chen. Ngayon ko lang narealize, magkapareho ang ngiti nilang dalawa. Pati na rin ang ilong at pisngi hawig na hawig



"Hay, nako" sabi ng mama niya "Alam mo ba anak, nung nalaman kong may girlfriend ka nalungkot ako kasi may balak akong i-reto sayo. At si May yung gusto ko para sa'yo. Ngayon naman, doble-doble ang tuwa ko dahil yung matagal ko ng gusto para sa'yo ay siya mo na palang girlfriend"




SUHO

[[EXO]] We Are One AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon