Chapter 37

21 1 0
                                    

SUHO

'Asan ka?

'Nasa condo pa, bakit?

'Punta ako diyan. Dadalhin ko na rin yung mga gamit ko para sabay na lang tayo mamaya

 

'Okay

Call ended...

 

Nagulat ako ng biglang tumawag si Xiumin. Halos dalawang linggo kaming hindi nagpapansinan dahil sa mga nangyayari

Nag-empake na ako para sa one week activity naming sa London. Siguro, hindi na ako masyadong mahihirapan lalo na at nagpapansinan na kami ni Xiumin. Ang ewan naman kasi kung si Louise ang lagi kong kasama, diba?

Para lang kaming nagpalitan ng partners. At kung si Jane naman, hindi ko naman siya gustong kasama kahit na gusto kong malaman ang mga masasama niyang mga plano. At kahit na gusto kong kasama si Jessie ay hindi pa rin pwede lalo na at alam ng lahat na engage na sila ni Xiumin

Ilang minuto lang ang lumipas nang narinig ko ang doorbell. So I went there and opened the door at hindi nga ako nagkakamali, si Xiumin ito na may dalang isang maleta na akala mo ay pinatalsik sa boarding house

Bingyan niya ako ng malungkot na ngiti at binigyan ko rin siya. Pinapasok ko na lang siya sa condo ko

"Kamusta?" panimula kong tanong

"Eto" simple ngunit makahulugan niyang sagot

Binigyan ko siya ng inumin at umupo na. Medyo tahimik kami, siguro ay nakikiramdam sa sitwasyon ng isa't isa


"So, how's your fiancé?" I asked


"She's good pero masyadong tahimik" he simply answered at tinuton na lang ang tingin sa TV



I smiled, tahimik talaga siya. Kahit noon pa, ayaw niyang makihalubilo sa kahit sinong tao lang



"So kamusta ka nung nalaman mong siya ang future bride mo?" medyo mapang-asar na ang tono ko pero hindi pa rin matago ang lungkot ng maitanong ko ang mga iyon




"Future Bride?! Kanino naman galing yan?" natatawa na siya sa ka-cornihan ko "Anong naramdaman ko? Syempre nagulat, ikaw?" aniya



"Lahat naman ata ng nakakaalam sa kung anong meron kami ay nagulat" yun na lang ang sinagot ko at uminom



"Ka-ano ano mo yung Jane Smith?" pag-iiba niya ng topic

[[EXO]] We Are One AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon