Chapter 13

59 4 2
                                    

JESSIE

"Mall na lang tayo. Alangan mang tumunganga na lang tayo dito" pagsa-suggest ni Cara

"Sige. Pero hindi ba natin hihintayin na lang si Louise?" tanong naman ni Yan

"Wag na. Papabalita na lang ako kay Michelle o kaya ki Stacy tungkol sa ranklist" sabi naman ni Jamellah

Kakatapos lang kasi naming mag-vote para sa "Main Prince and Princesses" at dahil sa wala na kaming klase hanggang mamaya napag-isip isip namin na umalis ng campus

"Since kami lang naman ata ni Jessie ang dalang may sasakyan, hatiin na lang natin ang sasakay sa bawat kotse" sabi sa amin ni Jamellah

Umagree naman na kaming lahat. So si Dian at Yan sa blue porcshe ko at sina Mizuki at Cara sa baby ford ni Jamellah

Ako ang nag-dadrive , Dian sa shotgun seat at si Yan sa backseat

"Yan, kamusta na lovelife mo?" tanong ni Dian sa kanya. Hindi niya naman kasi ako pwedeng tanungin kasi baka mamatay na siya sa masamang tinigin na ibabato ko sa kanya

Nakita ko si Yan mula sa rear-view mirror na mukhang nagulat "Wala namang nagkakagusto sa akin. Hindi naman ako maganda"

"Maganda ka kaya! Wala ka lang bilib sa sarili mo tapos di mo lang inaayos sarili mo" tama ang sinabi ni Dian. Maganda si Yan, natatakpan lamg ng angelic face niya ang maganda niyang mukha "Pero alam kong may gusto ka. Kwento mo naman"

"Wala, mga libro lang muna kasi ang inaatupag ko" sagot niya na nahihiya

"You know what, i-make over ka kaya namin" napatingin naman ako kay Dian dahil sa sinabi niya

"H-huh? Ayoko, wala akong pera" nag-o-office lang naman kasi parents niya tapos may tatlo pa siyang magkakapatid at scholar siya ng WAOA kaya siya nakapasok

"Libre na namin. Right, Jessie?" tumango na lang ako sa sinasabi ni Dian, bahala na nga lang siya "And besides, andiyan sina Jamellah for sure tutulungan nila nun"

Si Jamellah kasi ay anak ng nagmamay-ari ng isang international salon. Si Cara naman na member ng anti-gangsters organization ay merong magandang fashion taste at anak ng designer at si Mizuki naman ay anak rin ng nagmamay-ari ng National Eye Center na meron ding branch sa pupuntahan namin

Ako, ay may sarili ng boutique kaya ganun na lang mapatingin si Dian sa akin kanina

Andito na kami sa mall, dito sa restaurant nina Dian. Sikat na restaurant to sa Pilipinas

"I think that's a great idea. Siguro, we should go to Mizuki's Eye Center after this"

LOUISE

"We have half an hour left" pagpapaalala ni Suho

Sa ranklist pangalawa na ako at nangunguna pa rin si Xiumin at di naman sila nagkakalayo ni Baek na second na at humahabol parin si Lay na siyang pangatlo

Hindi na ako masyadong umiimik dito paano naman kasi siya pa ang nakatabi ko at wala pa akong masyadong close sa Princesses tapos si Miles naman dun katabi ni Chen pero mukhang naiirita siya sa kilos ni Chen kasi parang umaakbay tapos lalapitan siya sa mukha na parang inaamoy siya nito

"Loui" banggit ng lalaking katabi ko. Papansinin ko ba siya o hindi na?

"B-bakit?" naiilang kong tanong

Pero sayang naman ng friendship namin, diba? Mas okay na ata kahit hanggang friends na lang kesa naman sa ganito

"Galit ka sakin?" patanong niyang sagot

[[EXO]] We Are One AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon