Chapter 44

10 1 0
                                    

SUHO

"No, patay na si Moju" maluha-luha niyang sagot sa akin. I looked at her eyes, hindi talaga siya makapaniwala sa mga nangyayari ngayon

Tinignan ko yung mga andito. Si Bambam, Lay at ang EXO. Pero iniwan na nila kami dito

"I'm sorry kasi hindi ko sa'yo sinabi agad. Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan"

Tumutulo pa rin yung mga luha niya habang nakatingin sa akin. Mukhang ayaw niya ngang maniwala sa mga pinagsasabi ko. Kahit ako yung nasa sitwasyon niya ay mahihirapan din naman akong maniwala

"Matagal ko na rin balak na sabihin sa'yo kaso hindi pa ako nakakapag-ipon ng lakas ng loob" yumuko ako dahil sa halo-halong emosyon din ang nararamdaman ko ngayon "Nangyari pa yung engagement niyo ni Xiumin"

Pinipilit ko ang sarili ko na huwag umiyak. Ayaw niya pa ring magsalita at hinahayaan niya lang na tumulo ang mga luha niya. Lumapit ako and I wiped her tears away using my thumb

"Sorry kasi hindi na tayo nagkita simula nun. Kasi hindi na kita naabutan sa inyo nang gumaling na ako" hindi ko na napigilan ang mga luha ko na lumabas mula sa mga mata ko

JESSIE

Tumulo na rin ang mga luha niya. Kaya pala ganun na lang siya makatingin sa akin lagi, yung tingin na may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano

Nakapikit na siya ngayon "Naalala ko pa lahat, simula ng unang pagkikita natin. Nung nahuli mo akong inaaway ko si Bambam nun hanggang sa nahulog na yung puso ko nun sa'yo. Pinagtatawanan nga ako nina mama nun kasi ang bata ko pa raw para maramdaman ang mga bagay na yun. Pero wala naman sa edad ang mga bagay na yun, diba?"

Lumuluha pa rin siya kahit na nakapikit siya "Sorry, sorry" his voice cracked. Hindi ko na napigilan pa at hinawakan na yung pisngi niya. Siya nga si Moju, ang Jun na umaaway kay Bambam. Ang best friend ng pinsan ko na si Xing xing

...Ang taong nabaril ko nun

"Ako ang dapat mag-sorry, ako ang nakagawa sa'yo ng masama nun. Ako yung umalis. Ako yung--" hindi niya na ako pinatapos pa at hinawakan ang labi ko

"Shhh. Hindi mo naman sinasadya ang mga yun, diba? Wala kang kasalanan" niyakap ko na siya. Namiss ko siya, ang Moju na minahal ko nun na ngayon ay Suho na minamahal ko ngayon

"Namiss kita, Moju"

Third Person's POV

Hinahanap pa rin ngayon ni Jackson si Jade. Pinuntahan niya ito sa cocoon kung saan na matutulog sina Jade at ang mga roomates niya. Wala na rin ang mga taga-ibang eskwelahan dahil sa tapos na ang activity sa London

Nandoon nalang sila para mag-saya. Kumatok ito sa cocoon pero walang sumasagot. Nang subukan niyang buksan ito ay nagtagumpay siya at nakapasok sa loob. Naabutan niya ang dalaga na nagliligpit ng kanyang mga damit at handa ng umalis

"Saan ka pupunta?" tanong ng binata sa dalaga

"Aalis ako dito. Pero hindi ako titigil na gumanti sa kanya. Wala ng natira sa akin, Jackson" sagot ng dalaga "Galit na lang" dagdag nito at binitbit ang bag niya ngunit pinigilan ito ng binata

"Andito pa ako, Jane" nakatingin sa matang sabi ng binata sa dalaga "Mahal kita, Jane"

Umiling na lang ang dalaga "Hindi mo nga nagawa yung hiling ko tapos sasabihin mo yan? How stupid"

"Kahit na alam kong mali, sinubukan kong gawin ang mga gusto mo. Pero kanina, na-realize ko na ang tanga ko para i-tolerate ang mga bagay na yun. Na pwede ko rin namang patunayan sa'yo na mahal kita sa ibang paraan"

"Hindi ko alam, Jackson. Mukha rin kasing nagugustuhan mo na rin siya" medyo malungkot na sabi ng dalaga. Mahal na rin niya kasi si Jackson, matagal na rin

"Hindi naman kasi siya mahirap magustuhan" banggit ng binata "Pero iba ang gusto sa mahal. At hindi siya ang mahal ko, ikaw yun Jane"

JESSIE

"Ako, Jessie. Naaalala mo pa?" tanong sa akin ni Chanyeol

"Ikaw ba yung patpatin na kasama ni Moju nung may party kami?" tanong ko sa kanya. Halos wala rin naman nagabago sa kanya, tumangkad lang lalo. Tumawa naman si Stacy sa mga pinagsasabi ko kaya nag-derp face na lang si Chanyeol ulit

"Hindi na ako patpatin ngayon, may biceps na ako" pinakita niya naman yung pinagmamalaki niyang biceps "Akala mo, hindi ko alam yung pagnanasa mo dito. Eh, ang hilig mo ngang hawakan 'to tuwing magkasama tayo"

Namula naman si Stacy sa mga pinagsasabi ni Chanyeol. Inakbayan na lang siya nito at mas lalong namula si Stacy

"So, kayo na talaga? Wala ng bawian?" nag-fade naman ako sa tanong ni Jamellah na yakap-yakap ni Sehun. Nakayuko ako kasi alam ko na engage kami ngayon ni Xiumin

Napatingin ako sa kanya. Hindi niya katabi si Louise ngayon kahit na katabi ko si Suho ngayon. Kasama ngayon n Louise sina Dian na nanahimik din ngayon. Mukhang ayaw nilang magsalita sa mga bagay na tulad nito

"Hindi ko alam. Sana pag-uwi sa Pilipinas, mapilit ko si Papa na ipatigil ang kasal namin ni Xiumin"

"Bakit ba kasi kayo pina-engage?" hindi mapigilang tanong ni Miles

"Narinig ko nun sina mama na nag-uusap. Sabi ni papa, nalulugi na daw yung mga kompanya namin. Ang kompanya daw nila Jessie, ang pinakamadaling malapitan para matulungan ang kompanya namin"

"Pero kami ang pinaka-makakatulong sa kompanya niyo. Malaki ang empire ng lolo ko. Barya lang sa amin ang pagtulong sa kompanya niyo, ba't hindi na lang kami ang nilapitan ng papa mo?"

"Siguro ay hindi niya kayang i-block-mail ang lolo mo" sagot naman ni Xiumin

"P ero matalik na mag-kaibigan ang mga lolo natin" giit ni Suho at hindi na nagsalita pa muli si Xiumin at tumingin na lang kay Louise

"Pagbalik natin sa Pilipinas, aayusin natin 'to"

Itutuloy....

[[EXO]] We Are One AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon