Chapter 45

13 3 0
                                    

JESSIE

 

Nakita ko yung picture frame. Hindi ako magkakamali, alam kong ako ito at si Moju. Ito yung birthday ko at nagpapicture kami ng sabay. Hindi ko naman talaga nakalimutan si Moju, hindi ko lang talaga nakilala si Moju na siya palang si Suho ngayon

"Huli ka" naramdaman ko yung yakap ni Suho mula sa likod ko. Ang sarap ng pakiramdam na alam kong mahal ako ng mahal ko

Pina-harap niya ako sa kanya at nagyakapan kami. He also kissed my nose "Ihatid na kita sainyo" yaya niya at tumango na lang ako. Mukhang ayoko pang umuwi kaso kailangan kong harapin ang mga magulang ko. Para matapos na din 'tong problemang 'to. Dahil sa pag-iisip ko ay nasa bahay na pala

Tumingin ako kay Suho at akma siyang bababa pero pinigilan ko siya "Wag na kaya ko naman" ngumiti na lang ako at akma ko ng bubuksan ang pinto nang hinawakan niya ang kamay ako kaya napatingin ako sa kanya

"I love you" sabi niya

"I love you, too" I replied at bumama na ako ng kotse niya. Nag-wave ako bago niya ipaharurot ang kotse niya palayo kaya pumasok na ako sa loob. Nakita ko si mama na nakaupo sa sofa. Nag-beso ako sa kanya



"Anak" niyakap niya ako. Siguro ay namiss niya rin ako habang nandun ako sa London



"Mama, si papa?" tanong ko sa kanya nang kumawala ako sa yakap



"Nasa opisina na siya. Mamaya na lang ako pupunta doon, kain muna tayo" yaya niya at tumango ako. Iniwan ko na yung mga gamit sa sala, ang mga katulong na ang kukuha nun at dadalhin sa kwarto ko



Nasa dining hall na kami ngayon, tahimik kami. Siguro ay nakikiramdam kami sa isa't isa. I cleared my throat and she looked at me "Ma, kilala mo si Moju?"



Binitawan niya yung tinapay na hawak niya at tumango "Kilala mo na ba siya ngayon?" tanong niya at tumango ako



"Si Suho, ma" sagot ko



Nginitian niya ako "Simula nang unang magkita kami, nakilala ko siya agad. Kaya botong-boto ako sa kanya hanggang sa nagkaproblema ang kompanya"


"Ma, ipapakasal niyo pa ba kami ni Xiumin?" tanong ko sa kanya. Hindi siya nakasagot, pero alam ko na ayaw niya na mangyari ang mga bagay na yun



"Gagawin ko ang lahat para hindi matuloy ang bagay na 'yun" narinig ko ang boses ni papa "Nakipag-breakfast meeting ako kanina sa parents ni Suho at pumayag sila sa gusto kong mangyari"

[[EXO]] We Are One AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon