Chapter 07Call
"Are you guys here—?"
Hindi na siguro natapos ni Mic-mic ang balak niyang sabihin dahil sa nadatnan niyang puwesto naming parehes.
Dahil sa sigaw ni Mic-mic ay roon lang namulat lahat ng sense ko. Agad akong umalis mula sa pagkaka-kulong ni Shean sa akin.
"A-ano'ng meron?" nakita ko pang naka-cross ang braso ni Mic-mic habang tinatanong iyon na may kasama pang pagtaas ng kilay. Halata rin sa boses niya pagka-gulat dahil sa nautal pa rin ang tanong niya.
Napayuko ako, hindi ko alam kung ano'ng su-susunod kong gagawin. "U-uuwi na 'ko."
Bakit ba ang lakas ng epekto sa akin nuong lalaki 'yon? Sa simpleng tingin niya sa akin ay para na akong matutunaw. Sa sobrang hiyang-hiya ako kay Mic-mic dahil 'yon pa talaga ang nadatnan niya sa pagitan namin. Sa sobrang hiya na nararamdam ko gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko dahil duon.
"Let's go, Nana." halata sa boses niya ang galit. Hindi rin lumagpas ang tingin kong he glared at Shean.
Hinila niya na ako palabas ng kwarto pero ramdam ko pa rin ang masamang tingin ni Mic-mic kay Shean. Habang palabas kami ng condo ni Shean ay lagi kong naririning ang malakas na buntong hininga ni Mic-mic at ang kapit niya sa pala-pulsuhan ko.
Walang imikan ang nagyari sa loob ng sasakyan ni Mic-mic. Alam kong galit siya kasi kilalang-kilala ko siya na as much as possible ayaw niyang sumigaw, gusto niya kalmado lang siya.
Sa kaba na nararamdaman ko ngayon dahil sa buntong hininga ni Mic-mic kada minuto habang nasa biyahe kami. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana, iniisip kong tama ba itong ginawa ko? Kung tama bang papasukin ko siya sa buhay ko?
Ano ba talagang pinag-gagawa ko sa sarili ko? Alam kong kailangan ko siyang iwasan, alam kong kailangan kong lumayo. Delikado o Caution, nakaka-matay.
"Lena, nandito ka na." sumandal siya sa kanyang upuan habang ang tingin ay nasa labas.
Alam kong kakausapin ako ni Mic-mic kaya hindi muna ako bumaba. Natatakot ako, sa mga sasabihin niya sa akin. Alam kong desisyon ko pa rin ang ma-susunod pero alam kong may magiging punto siya. Tumingin lang ako sa aking tapat at kinakalma ang sarili sa posibleng sabihin niya sa akin.
"Lena." Matigas na sabi niya at mukang seryoso siya.
"Mic?" napayuko ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin.
"Did you know my brother?" alam kong nakatingin siya sa akin ng may pag-aalinlangan pero hindi ko siya binalikan ng tingin.
"N-no..." sabi ko ng hindi manlang tumitingin sa kanya. "H-hindi masyado."
"Hindi na kita tatanungin ng kung ano-ano, but I'm warning you, Lena." seryoso niyang sinabi ang bawat salitang binitawan niya.
"Y-yeah, I know." nangilid agad ang aking luha. "Sorry..."
"I understand, Lena. " Agad naman akong niyakap habang hinihimas 'yung likod ko. "Tahan na."
Dumaan ang ilang minuto na nasa ganuon kaming puwesto. Agad naman akong nahimas-masan at pinunasan ko ang aking luha gamit ang aking daliri. "Alis na 'ko." kumalas ako sa yakap. "Sorry ulit."
"Hatid ko na lang sa 'yo 'yong mga gamit mong naiwan sa condo bukas." ngumiti siya. "Mag-iingat ka."
"Salamat." lumabas na 'ko sa kanyang kotse. "Ingat!" sigaw ko ng humarorot na ang kanyang sasakyan.
Lumipas ang ilang linggo ay wala namang kaka-ibang nagyari sa akin sa mga lumpis na linggo na iyon. Ang dami ko pang dapat tapusin dahil hindi madali ang tourism na course. I want and I promise to someone that I will be a flight attendant soon and we will going to fly high, that's I become dedicated to finish this course.
BINABASA MO ANG
Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)
Teen FictionAno ang gagawin mo kung ang isang tao ay magpapakita sa 'yo ng motibo tapos iiwan ka rin dahil sa maling conclusion sa isip niya? Tataggapin mo pa ba ito o magiging pusong bato na lamang ang iyong puso? Sabi nga nila na ang love raw ay deserve ng s...