Chapter 11Can I fetch you?
Wala akong ka-alam-alam na nakatulog na pala ako habang binabantayan ko siya. Namalayan ko na lang nung nagising ako na nakahiga na habang yakap-yakap pa rin niya ako habang siya naman ay tulog pa rin. Bumababa na lang ako para naman makapag-handa ng almusal namin dahil alam kong gutom na siya dahil kunti lang ang kinain niya kagabi.
Habang naghahanda ako ng almusal ay nagulat ako ng tumatakbo si Shean at parang may hinahanap. "Bakit?" Tanong ko at no'ng nakita niya ako ay parang nakahinga siya ng maluwag.
"N-nothing," nauutal na sabi niya.
Tumango na lamang ako at nilapitan ko siya. "Lapet ka nga dito," sabi ko.
"Why?"
"Dali na wag masyadong madaming tanong," No choice siya kung hindi lumapit sa akin. Agad kung sinuri kung may lagnat pa siya paglapit niya. "Ayan, bumaba na 'yong lagnat mo. Umakyat ka muna sa taas at magpalit ka ng damit, pawis na pawis ka!" pinunasan ko ang noo niya gamit ang aking kamay na amoy hotdog pa.
"U-uh, okay..." nai-ilang yata siya sa ginawa ko kaya agad kong tinggal ang kamay ko tiyaka amoy hotdog, nakakahiya.
Umakyat na siya habang ako naman ay tinuloy ko ang pagluluto. Ang niluto ko ay sinigang kahit maaga pa ay mas maganda na sa kanya ang may sabaw para mawala agad ang lagnat niya. Nagluto na rin ako ng hotdog dahil gusto kong kasabay ang hotdog sa sinigang.
Sakto pagkatapos ko magluto ay bumaba na rin si Shean. Nagsimula na akong maghain habang siya naman ay komportableng naka-upo habang hinihintay akong matapos. Agad kong nilagay ang niluto ko, at sinantukan siya ng kanin. "Ubusin mo 'yang nilagay ko. Kunti lang ang kinain mo kagabi." Sabi ko at nagsimula ng maglagay sa plato ko.
Hindi naman siya umimik at nagsimula ng kumain habang ako naman ay ganun rin. Tahimik lang kaming kumakain ang tanging naririnig lang namin ay ang pagsasalpukan ng utensils na ginagamit namin.
"Uminom ka ng gamot, huhugasan ko lang itong pinagkainan natin." agad kong kinuha ang plato niya at sa akin para mahugasan na ng matapos kaming kumain.
Kakatapos ko lang maghugas ng plato ay agad akong pumunta sa living room upang manood ng T.V. Nilibang ko muna ang sarili ko habang si Shean naman ay ayun natulog ulit. Maganda na 'yon kaysa mag-usap kami, kinakabahan kasi ako baka mautal ako kapag kausap ko siya. Kabadong kabado talaga ako.
Lumipas ang ilang oras ko na panonood ng K-dramang Angel Last Mission, juice 'ko! Namamaga iyong mata ko kakaiyak. Pagtingin ko sa orasan ay oras na ng lunch ay sinimulan ko ng initin ang sinagang na niluto ko kanina, habang ini-init ko ito ay sinimulan ko na ulit mag-ayos ng utensils na gagamitin namin.
"Shean! Kakain na!" Pasigaw na sabi ko pagkatapos ko maghain ng kakainin namin.
"Wait!" Pasigaw na sabi niya.
Hinintay ko na lang siya, ayaw ko naman na magsimulang kumain habang siya ay hindi pa. Magmumukha akong patay gutom nun tapos bastos pang tignan kaya hihintayin ko siya.
"Lapit ka nga," pagkaupo niya ay tinignan ko muna siya. "Wala na 'yan maya-maya, wag ka ng magpakapagod magpahinga ka pagkatapos mong kumain, understand?" sabi ko habang may nakasalampak pa na kanin sa bunganga ko.
"Okay."
"Good," tinignan ko siya. "Pagkatapos nating kumain, uuwi na ako. Bukas na lang tayo mag-usap." Hindi ako makatingin sa kanya habang sinasabi ko iyon kasi kinakabahan ako.
Mabilis napabaling ang tingin niya sa akin na nakanina ang tingin ay nasa kanyang plato. Tila hindi mapinta ang kanyang mukha na para bang pinagbagsakan siya ng langit at lupa. "O-okay...." tinuloy niya na lamang ang kanyang pagkain.
BINABASA MO ANG
Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)
Teen FictionAno ang gagawin mo kung ang isang tao ay magpapakita sa 'yo ng motibo tapos iiwan ka rin dahil sa maling conclusion sa isip niya? Tataggapin mo pa ba ito o magiging pusong bato na lamang ang iyong puso? Sabi nga nila na ang love raw ay deserve ng s...