Chapter 24Ai and Lia
Ilang araw na kaming hindi pa nagki-kita ni Shean kasi sa sobrang busy niya, naiintindihan ko naman. Ang dami niya talagang ginagawa hindi naman ako nagagalit. Sino ba 'ko, diba? Ayaw kong nakikita siyang napapagod kaya nga sinuggest ko na 'wag na siyang laging bibisita sa apartment ko, kasi alam kong mas kailangan niya ng pahinga. Iba na talaga kapag graduating student ang daming dapat tapusin, kung hindi mo gagawin hindi ka din makakatapos sa pag-aaral mo.
Nandito ako sa coffee shop siyempre para sa trabaho ko. Inaamin ko naman na nahihirapan akong pagsabayin iyong pagta-trabaho pero hindi ko kailangan mag-reklamo kung hindi, hindi ako makakapag-aral at makakain.
Minsan kapag walang tao o kunti lang ang tao ginagawa ko sa loob mismo ng shop iyong mga papers ko, hindi naman ako sinusuway ng manager namin kasi mabait naman 'yon, actually ginawa ko siya ngayon. Wala kasing masyadong tao kapag 2 PM kaya ayun busy-busyhan ako para matapos itong mga requirements ko.
"Lena," tawag sa akin.
"Oh?" tanong ko na hindi manlang tiningnan kong sino iyong tumawag sa 'kin.
"May naghahanap sa 'yo sa labas," tumabi si Nayeli sa pagkaka-upo ko sa lapag.
"Sino raw?" napatingin ako kay Nayeli.
"Ewan ko," she shugged her shoulders. "Pero ang pogi, ah? May kasamang cute na cute na bata,"
"Sino si Shean?" tanong ko dahil kilala naman niya iyon.
"Hindi si Mister Pogi, e."
"Si Clin?"
"Mas lalong hindi rin,"
"Hala, sino 'yon?" kinakabahan kong tanong.
"Aba'y malay ko sa 'yo," Walang kwentang sabi niya.
"Pinapakaba mo naman ako, e." inis ko siyang hinampas.
"E, 'di kabahan ka wala akong pake," mataray na sabi niya sabay irap.
"Ang gara mo kausap," padabog kong niligpit iyong mga papel kong nakakalat sa lapag. "Meron talaga, Nayeli?" pag-uulit ko sa tanong.
"Muka ba akong si Lola Basiyang? Gagawa ng kuwento?" inis siyang tumayo mula sa pagkakaupo. "Bahala ka nga diyan!" mabigat ang bawat hakbang niya palayo sa akin.
"Bakit galit 'yon?" bulong ko sa aking sarili habang napailing-iling pa.
Sino kaya iyong naghahanap sa akin? Kinakabahan ako sobrang lakas ng tibok ng puso parang sasabog na ito sa sobrang lakas.
Kalma, Lena. Kalma. Inhale, Exhale.
Niligpit at tinabi ko muna sa staff room iyong bag ko. Alam kong kanina pa naghihintay iyong tao na 'yon pero parang kinakabahan talaga ako, e, ewan ko ba kung bakit!
Doon ako lumabas sa likod ng pintuan para dahil ayaw ko naman maistorbo iyong mga costumer. Paglabas ko ay hinahanap ko kung sino iyong naghahanap sa akin pero wala naman akong nakikitang tao dito.
Pinagloloko ba 'ko ni Nayeli?
"Mommy!" sigaw ng pamilyar na boses sa akin.
Pagtalikod ko ay nakita ko iyong batang matagal ko ng hindi nakita, iyong batang dahilan kung bakit ko ito ginagawa, kung bakit ko pinagsusumikapan lahat-lahat para sa kanya.
Nangilid ang luha ko ng makita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin. "B-baby ko..." I bend down my kness and hug him tighter. Crying that there's no tommorow.
"M-mommy, I miss you..." she said while crying over my shoulder.
"I-i miss you too, baby..." kumalas ako sa yakap niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya upang kilatisin ang bawat parte ng kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)
Teen FictionAno ang gagawin mo kung ang isang tao ay magpapakita sa 'yo ng motibo tapos iiwan ka rin dahil sa maling conclusion sa isip niya? Tataggapin mo pa ba ito o magiging pusong bato na lamang ang iyong puso? Sabi nga nila na ang love raw ay deserve ng s...