Chapter 15Early date?
Twenty-two pa lang ngayon pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano'ng isusuot ko. Balak ko sanang tanungin si Hash pero kasi nakakahiya. Baka sabihin niya lang sa akin na natupad ang gusto niya na maging kaming dalawa.
'Wag na lang kaya ako pumunta?
Nandito pala ako sa apartment ko bugnot na bugnot kakahiga sa aking maliit na kwarto. Kasya dalawang tao lang dito at kailangan niyo pang magdikit para talagang makahiga kayo ng maayos. Walang comfort room sa loob nito wala rin na veranda walang telibesyon sadyang kama lang at maliit na lamesa upang dito ako nag-aaral. Sa lamesa ay may maliit na shelves nakalagay duon ang ilang libro ko sa school. May maliit na lampsade hindi shivel chair kundi mono-blocks lang na upuan.
"Lena!" tawag mula sa labas na may kasamang pagkatok.
"Wait lang!" sigaw ko habang inaayos 'yong itsura ko. Mukha kasi akong zombie dahil 3 na ng madaling araw ako natulog dahil sa pagre-review ko. Muka na nga nga akong panda sa sobrang laki ng eyebags ko.
Pagbukas ko ay bumungad sa akin si Clin sa akin na naka-white t-shirt, cargo shorts and white shoes. Dumeretso agad siya sa aking magandang upuan at nilapag ang kanyang bag sa aking maliit na coffee table.
"Kumain kana?" tanong ko sabay tabi sa kanya.
"Hindi pa." sagot niya.
"Mamaya na lang ako magluto," umupo ako sa lapag at gano'n din siya bali magkatapat kami ang tanging pagitan lamang namin ay ang coffee table. "Bakit ka pala nandito?"
"Wala ang bored sa bahay." sumandal siya sa upuan ko at pumikit.
"Matutulong ka?"
"Antok ako," nakapikit pa 'din siya.
"Tulog ka sa kwarto ko?" lumapit ako sa kanya at tumabi.
"Ayaw ko," sumandal na lang siya sa balikat ko. Inakbayan ko siya upang mas maging komportable ang kanyang puwesto.
"Hindi ka makakatulog ng maayos dito, e." sabi ko habang kinakalikot ko ang kanyang buhok. "Doon ka na lang sa kwarto ko," malumay na suggestion ko.
Hindi na siya umimik mukang nakatulog na siya sa kanyang pagsandal sa akin. Hindi na ako gumalaw dahil mukhang komportable ang kanyang tulog.
Lumipas ang ilang oras ay hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako habang nakasandal sa balikat niya. Baliktad na ang puwesto ngayon pero siya gising na.
"Good afternoon," nakangiting bungad niya pagmulat ng aking mata.
"Bakit hindi mo 'ko ginigising?" tanong ko habang inaayos ko ang aking buhok dahil ang gulo nito.
"Ang sarap ng tulog mo, e," pagdadahilan niya. "Ang sarap mong panoorin habang tulog," bulong niya pero rining ko pa 'din.
"Hoy, hindi ako sinehan para panoorin mo!" saway ko sa kanya sabay kurot sa kanyang tagiliran.
"H-huh?" mukang nagulat siya.
"Wala sabi ko magluluto na ako," tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sahig. "Ano'ng gusto mong lutuin ko?"
"K-kahit ano na lang."
"Bakit mukang tense na tense ka?" lumapit ako sa kanya at dinampi ang kanyang noo gamit ang aking kamay. "May lagnat ka ba? Pawis na pawis ka."
"W-wala akong lagnat."
"Okay sabi mo, e." ngumiti na lamang ako sa kanya. "Magpunas ka ng pawis mo, magluluto lang ako,"
BINABASA MO ANG
Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)
Teen FictionAno ang gagawin mo kung ang isang tao ay magpapakita sa 'yo ng motibo tapos iiwan ka rin dahil sa maling conclusion sa isip niya? Tataggapin mo pa ba ito o magiging pusong bato na lamang ang iyong puso? Sabi nga nila na ang love raw ay deserve ng s...