Chapter 37

174 11 1
                                    


Chapter 37

Apple

"Okay ka lang?"

"H-huh?"

"Kanina ka pa tulala. Sa eroplano pa lang," seryoso niyang sinabi habang hawak-hawak ang steering wheel at seryosong nakatutok sa daan.

"W-wala." nag-iwas ako ng tingin.

Balisa pa rin ako hanggang ngayon. Alam ko naman na mahirap mag-conclude kung tama ba ang nasa isip ko pero napaka-laking porsyento kasi na siya talaga ang asawa ni Tali. Siyempre kahit naman siguro sino ganuon ang iisipin. Sa simula pa lang alam ko naman na kasal na talaga siya, e. Ano pa ba aasahan ko? Na wala lang lahat ng iyon? Namali lang ako ng balita?

Apat na taon! Apat na taon na silang kasal! So, kaya pala wala si Shean nuong panahon na gusto kong makita si Aling Apple dahil binabantayan niya si Tali kasi buntis siya? Kaya naman pala...kaya naman pala.

Sobrang hindi malabo na ganuon talaga ang nagyari sa lumipas na tatlong taon. Akala ko wala na, e. Nakita ko lang si Tali na may dalang bata at may suot na singsing kumirot ulit ang puso ko. Sa lumipas na tatlong taon ay walang araw na hindi ko siya iniisip, walang araw na hinihiling kong makita ko siya.

Masaya ako para sa kanya kasi alam kong pangarap niya mag-karoon ng kumpleto at masayang pamilya kasi alam kong hindi niya naranasan iyon. Alam kong gagawin niya ang lahat para maalagaan si Kian, ang cute na si Kian.

Hindi agad ako naka-balik sa wisyo ko no'n kung hindi lang ako inakbayan ni Zane. Gulat pa ngang napatingin si Tali kay Zane, siyempre artista! Sino bang hindi magugulat kung makikita mo ang walang iba kung hindi si Zayden Ambrose Fairth!

"Hello?"

[Where are you? I'm going to pick you up.]

Napatingin ako sa caller ng cellphone ko kasi ang akala ko ay wrong number pero si Bray lang pala. Umi-English na siya, ah!

"Nasa bahay ako, bakit?"

[I'll be there in ten minutes.]

Binabaan niya na agad ako ng tawag. Sanay naman na ako kay Bray na ganuon siya kasi lately lagi na siyang busy sa ginagawa niya. Out of the blue bigla na lang siyang magyaya na kung saan pupunta. Sure akong kaming dalawa lang ngayon kasi alam kong busy ang tatlo sa kani-kanilang trabaho. Paisa-isa na lang kami kung gumala hindi na kami kadalasan kumpleto pero kapag nagbalak sila at sakto sa schedule namin ay duon lang kami naku-kumpleto.

May kanya-kanya na kaming pinagkaka-abalahan sa buhay kaya madalang na lang talaga kami ma-kumpleto. Kapag nagyaya sa na isa sa amin ay may nagsasabi na hindi puwede kasi may ginagawa, kasi may kailangan tapusin. We understand naman pero kapag Christmas kailangan ay kumpleto kami hindi pwedeng hindi kasi naka-sanayan na naming magkakasama tuwing christmas. Dating gawi sa rest house kami nila Bray.

"Mommy!"

Nag-aayos ako ng mga dadalhin ko ng bigla akong tinawag ni Lia mula sa baba.

"Bakit?!" sigaw ko mula sa aking kwarto.

"Tito Bray is here!"

Ang bilis naman! five minutes pa lang, huh? Siguro on the way talaga siya.

Lumabas ako ng aking kwarto na ang suot ay blue jacket dress and my black kitten heels. Dinala ko ang aking black mini bag bago bumaba ng hagdanan.

Prenteng naka-upo si Bray sa sofa pagbaba ko at kinakalikot ang kanyang cellphone. Halatang kakagaling niya lang sa trabaho dahil naka-coat and tie pa siya. Nasa lapag si Lia at nagsusulat sa coffee table.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon