Chapter 09Lunch
Naalimpungan ako ng may naramdaman akong gumagalaw sa tabi ko. Bakit ang laki naman ng naka-dagan sa 'kin? Nabagsakan ba ako ng semento ba't sobrang bigat naman nito?
Minulat ko ang tingin ko at laking gulat ko na lamang na katabi ko si Shean sa kama, agad naman akong bumangon at inalala ang nangyari kagabi. May nagyari ba sa amin?At tiyaka bakit ko siya katabi? Ano na naman bang katangahan ko kagabi at napunta ako rito? Hindi naman ako uminom ng alak sa pagkaka-alala ko ay nasa balconly lang ako ng condo ni Mic-mic tapos napunta talaga ako rito? Bakit?!
Gumalaw siya no'ng bumangon ako. Nagising yata sa biglaang pag-bangon ko dahil sa likot ko ba naman. Minulat niya ang kanyang mata ng medyo matagal kasi mukhang ina-adjust pa niya iyong mata sa liwanang ng araw na nakatapat sa mismong kwartong ito.
"Morning," sabi niya habang bumabangon at kinukusot ang kanyang mata. Hindi ako kumibo kasi iinisip ko pa rin kung ano'ng nangyari kagabi. "Hey, are you okay?" sinilip niya ang mukha ko kung ano ba talaga ang nagyari sa akin kasi nakayuko ako at hindi makatingin sa kanya.
"U-uh..." wala akong maisip na maisagot ng maayos sa kanya.
"Are you sick?" tanong ulit niya at tinignan ang aking temperatura gamit ang kanyang kamay na nilagay niya sa noo ko.
Umiwas ako kasi nahihiya talaga ako. Wala akong malala talaga. Ang naalala ko lang ang balcony ni Mic-mic tapos nandito agad ako?!
"A-ano'ng nangyari? B-bakit tayo magkatabi?" pag-aalangan kong tanong sa kanya.
"Ah, yeah." Sabi niya at umayos ng upo at humarap sa akin. "You're over crying all night while hugging me, then you fell asleep while crying and I sent you to the room but you pull me to lay down with you."
Tinakpan ko ang buong mukha ko gamit ang dalawang pares ng aking palad dahil sa hiyang nararamdaman ko. Dumagdag pa ang biglaang pag-akyat ng dugo ko sa mukha hudyat na namumula ang mukha ko sa sobrang hiya. Nakakahiya! Hindi kasi talaga ako makakatulog ng walang kayakap kaya siguro nahila ko siya. Nakakahiya talaga!
"Why?" ramdam ko na sumilip siya sa akin.
"H-huh?" dahan-dahan kong tinggal ang pagkaka-takip ng aking mukha upang masilip ko siya.
"Why are you covering your face?"
"W-wala...." agad akong tumayo. "S-sige magluluto lang ako ng a-almusal natin." kumaripas agad ako ng takbo para maka-alis sa sitwasyon na 'yon.
Nakakahiya talaga!
Naghilamos muna ako sa lababo, tiyaka ko sinumulan ang pagluluto. Ang niluto ko ay bacon, hotdog at fried rice. Wala pa yata siyang balak na lumabas kasi sa sobrang tagal kong nagluluto ay dahil sa sobrang nag-space out talaga ako sa nagyari at hindi pa rin talaga siya lumalabas.
"Shean, kain na!" sigaw ko kahit kinakabahan ako dahil hindi pa rin ako maka-get over sa nagyari.
"Wait!"
Umupo na ako at nagsimulang sumandok ng plato at ng kanya kasi mukhang matatagalan yata siya pero siyempre kailangan ko siyang hintayin.
"Sorry," hinihingal pa siya at agad namang hinila ang upuan para maka-upo siya.
"For what?"
"For being late."
"Wala 'yon." umiling agad ako kasi hindi naman kaso sa akin 'yon. "Kain na tayo."
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay tumunong ang cellphone ko na nakalapag sa lamesa tinignan ko iyon at tumatawag si Bray sa akin. Pagtingin ko kay Shean ay naka-taas ang kilay mukang sinusuri niya kung sino iyong tumawag. Agad ko itong sinagot na naka-loud speaker ayaw ko kasing ma-istorbo ang pagkain ko.
BINABASA MO ANG
Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)
Teen FictionAno ang gagawin mo kung ang isang tao ay magpapakita sa 'yo ng motibo tapos iiwan ka rin dahil sa maling conclusion sa isip niya? Tataggapin mo pa ba ito o magiging pusong bato na lamang ang iyong puso? Sabi nga nila na ang love raw ay deserve ng s...