Chapter 22

152 10 1
                                    


Chapter 22

New Year

Wala kaming pasok ngayon dahil sa holiday. Ngayon ay des peras ng bagong taon kaya ito ako sa mall mamimili ng handa ko mamayang gabi. Siguro ako lang mag-isa mamaya kasi ang mga kaibigan ko ay busy sa kani-kanilang pamilya, kaya ako lang mamaya ang mag-celebrate ng New Year.

Halos kompleto na lahat ng kailangan ko mamaya kasi bumili na ako ng doseng bilog na prutas dahil nakasanayan na ng mga pilipino ang bumili ng prutas at na-adapt ko na naman iyon sa mga magulang ko.

Busy ako kakatingin sa mga ihahanda ko mamaya. Napag-isipan ko kasi na pansit, kaldereta, at salad lang ang gagawin ko dahil wala naman akong kasama mamaya.

Dahil busy ako kakatingin ng magandang ingredients, bigla na lang may humablot ng hawak kong fruit cocktail. "Hoy!" napasigaw ako dahil sa gulat. "Magnanakaw!"

"Shh," suway nung lalaki. "Hindi ako magnanakaw, Lena." nakangising sabi niya sabay tanggal ng shades niya.

Pinaghahampas ko siya sa kanyang braso dahil sa ginawa niya. "Bwisit ka! Kala ko kung sino," inis kong hinablot sa kanya ang fruit cocktail.

Dahil sa sigaw ko ay madami gustong maki-chismis sa nangyari.

"Galit na galit?" Tinulak niya na ang cart ko.

"Tara na, Zane ang daming tao," tinulak ko na siya papuntang cashier para magbayad na kami. "Bakit ka pala nandito?" Tanong ko habang nakapila kami.

"Mamimili rin,"

"Oh, asan mga pinamili mo?" tanong ko sabay hanap.

"Wala," natatawang sabi niya. "Mamaya na lang ako bibili,"

"Gaga ka. Mamili ka na samahan kita?" Pagpupumilit ko.

"Wag na, mamaya na lang," inakbayan niya ako at naglakad na kami palapit sa cashier dahil tapos na iyong nauna sa amin.

"Hayst bahala ka," inis kong tinggal ang pagka-akbay niya sa akin upang maasikaso ko ang paglagay ng mga pinamili ko sa counter.

Habang pina-punch ni Ateng cashier iyong pinamili ko ay papalit-palit siya ng tingin sa akin at kay Zane. Iyong parang may gusto siyang sabihin kaso wala siyang balak na ibuka ang kanyang bunganga.

"Bakit, Ate?" kunot noo kong tanong kay Ate.

"W-wala po." mabilis pa sa alas kwatrong umiwas siya ng tingin.

"Ah, okay." kibit-balikat ko na lang tinuloy ang pag-lalagay ng pinamili ko.

Nang matapos nang mabayaran ay naglakad na kami ni Zane palabas ng grocery. Nakipagtalo pa nga siya kung sino ang magbabayad, e. Pero siyempre hindi ako pumayag na siya ang magbabayad.

"May pupuntahan ka pa?" biglang tanong ni Zane habang dala-dala iyong pinamili ko. Dalawang plastic lang naman iyon.

"Hmm," gusto ko kasi munang gumala kasi mamaya magiging busy na 'ko magluto.

"Let's eat?" he asked.

"Tara!" agad na sabi ko sabay hila sa kanya sa isang samgyup.

"Dito talaga?" tanong niya sabay libot ng tingin sa mga tao. Binaliktad niya ang kanyang sumbrero upang medyo matakpan ang kanyang mukha.

Nangunot tuloy ang noo ko pero pinagsa-walang bahala ko na lang ito. "Oo, kasi mamaya pa ako susunod na kakain," natatawang sabi ko sabay upo.

Umupo na kami sa medyo dulong parte nito dahil siya mismo nag-sabi na roon na lang kami umupo kaya umoo na lang ako. Tumawag na siya ng waiter upang mag-asikaso na ang order namin.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon