Chapter 16Date
Today is the day kung kailan ang date namin ni Shean pero I don't think so kung date ba talaga 'to. Ayaw ko siyang tawaging date kasi alam kung baka umasa siya na may change, ako din ayaw ko kasi siya munang bigyan ng change, priority ko kasi ang pag-aaral ko ayaw kong masira ito dahil sobrang laki ng pangarap ko at hindi lang 'yon dahil may umaasa pa sa akin.
Nandito ako sa apartment ko actually kakagaling lang ni Hash dito upang ibigay ang kanyang damit sabi ko isasauli ko naman pero sabi niya hindi naman niya na nagagamit iyon. Madami kasi talagang damit si Hash kumbaga kolektor ng damit iyon pero hindi naman niya nagagamit halos lahat ng iyon, kaya minsan binibigay niya lang sa akin o kaya kay Givi.
"Tao, po!" tawag mula sa labas ng aking pinto.
"Wait lang!" sigaw ko dahil nagluluto ako ng sinangag ngayon at itlog. Balak ko sanang mag-almusal muna bago magbihis.
Pagbukas ko ay bumungad sa akin si Shean na ang kanyang suot ay white t-shirt, black cargo shorts and with his black and white snikers, magkaiba ito hindi tulad nung suot niya kahapon. "Good morning," bati niya sa akin.
"Aga mo, ah?" sabi ko sabay tingin sa wall clock kong nakalagay sa may tabi ng tv. "7:30 AM pa lang."
"Yeah," umiwas siya ng tingin.
"Pasok ka magluluto muna ako," pinaupo ko siya sa aking mamahaling upuan habang ako naman ay tinuloy ang aking pagluluto.
Habang ina-ayos ko ang aking ay busy andon si Shean sa may upuan busy kakatingin ng picture ko nung bata pa ako. Nakalagay kasi iyon sa tabi ng tv ko.
"This is you?" sigaw niya.
"Huh?" sumilip ako at tinitignan iyong picture na hawak niya.
"This?" tinaas niya ang isa sa picture frame.
"Ah, oo," lumapit ako sa kanya upang tignan iyon. "Ito ay 'yong nasa probinsya pa kami nakatira,"
"Oh,"
"Yeah, sa probinsya talaga kami nakatira kaso nga lang na-promote si Papa sa trabaho," tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Need kasi sa maynila ka tumira na-promote ka. Actually, sagot naman ng Boss ni Papa iyong tinirhan namin, e, kaso humindi si Papa kasi balak na rin pala niya na rito na lang kami mag-stay sa Maynila kaysa sa probinsya."
"What is his job?"
Napatahimik ako at the same time kinabahan sa tanong niya. "H-hindi ko alam, e." nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "M-maghahain lang ako."
Kahit nanginginig ang kamay ko dahil sa kaba ay inayos ko ang mga niluto ko at nilagay ko ito sa coffee table ko. Ito lang kasi ang lamesa na meron ako kasi hindi naman talaga malaki ang apartment ko.
"You're so cute," hindi pa din maalis 'yung tingin niya sa picture ko.
"Sus, wala akong pera," tumawa na lang ako at nagsimula ng magsandok ng sinangag.
Umupo na si Shean sa harap ko at nagsimula na rin magsandok. "It's a pig, right?"
"Oo, naglalaro kami ni Papa niyan," tumingin ako sa kanya ng may bahid ng pait na ngiti. "Si Mama naman ang nag-picture sa akin niyan. Hinahabol kasi ako ng baboy na inaalagaan nila tapos natumba ako kaya sa picture umiiyak ako."
"You have a nice family." malungkot na sabi niya.
"Sinabi mo pa," tinignan ko siya sa kanyang mata dahil nakikita ko na malungkot ito. "Kahit hindi kami mayaman, masaya naman ako na sila naging mga magulang ko."
BINABASA MO ANG
Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)
Teen FictionAno ang gagawin mo kung ang isang tao ay magpapakita sa 'yo ng motibo tapos iiwan ka rin dahil sa maling conclusion sa isip niya? Tataggapin mo pa ba ito o magiging pusong bato na lamang ang iyong puso? Sabi nga nila na ang love raw ay deserve ng s...