Chapter 28

125 8 0
                                    


Chapter 28

Babalik ako

Wala akong balak sumuko. Gusto ko siyang makausap. Desidido talaga akong makausap siya. Kaya nandito ako sa building niya malay mo makita ko siya o kaya kahit si Kai na lang makita ko para matanong ko kung nasaan siya.

Kakatapos lang ng class namin. Si Ai at Lia ay umuwi na sa probinsya babalik sila dito next week or next next week? 'Di ko sure. Balak na kasi ni Ai na dito na lang siya magtrabaho. Teacher ang kinuha niyang course, secondary kaso nga lang elementary ang tinuturuan niya kasi iyon lang ang school malapit, sa bayan pa ang high school. Hassle para sa kanya kasi may Lia pa siyang aalagaan.

Ilang araw ko rin hindi tina-try na makausap siya. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Kung pupunta ako sa mansion nila ay wala talaga akong balak kahit pa sabihin na nanduon si Shean, Sandra, at si Scarlet.

Naalala ko pa nuon na halos pagtabuyan ako. Nagpasa kasi ulit si Papa at si Aling Apple ng kaso kahit na-dismiss ito. Gumawa ulit sila ng paraan. Desidido talaga silang magsampa ng kaso.

"Pa!" pagtawag ko kay papa.

"Bakit, anak?" sagot ni Papa na hindi inaalis ang tingin kay Mama.

"Kain po muna kayo," inabot ko sa kanya iyong niluto ko. Agad naman niya itong tinanggap. "Asan nga po pala si Aling Apple?"

"May check-up siya," sagot ni Papa na busy kumakain. "Ikaw anak, kumain ka na?"

"Opo," sagot ko. "Nilibre po ako ni Mic-mic kanina,"

"Close na close talaga kayo nung batang iyon, ano?"

"Siyempre naman, Pa." nginitian ko na lang si Papa.

Naging ganun lagi ang routine namin ni Papa. Kapag galing ko sa school ay lulutuan ko siya at ihahatid ko sa kanya iyon. Minsan naman ay inaasikaso nila ang kaso. Alam kong malabo, malabong malabo na makulong si Mr. Cordain. Pero sabi nga ni Papa:

'Atleast I try and because I try, your Mom will get proud of me'

Na-dismiss for the second time ang kaso na sinampa ni Papa at Aling Apple. Kita ko sa itsura ni Papa ang galit, lungkot at madami pang iba. Alam kong masakit kasi kahit ako nasasaktan sa nangyari. Kaya naman kasi kaso hindi namin kaya kumuha ng magaling na abugado kulang kami sa pera.

Araw-araw lutang si Papa kapag pupunta dito sa hospital. Pasan niya ako si Mama at itong bills pa sa hospital. Nasabi din ni Aling Apple sa akin na baon na kami ng utang dito hospital kaya pagod na pagod na si Papa. Pero kapag nakikita niya ako at si Mama ay ngingiti siya kasi sabi niya kami raw ang lakas niya kaya kahit anong pagod niya ay tinitiis niya para sa amin.

'I'm just one call, you contact me if you need a help.'

Bigla na lang pumasok sa isip ko 'yong sinabi ni Mr. Cordain. Napaisip ako pero para naman siguro akong tanga na hihingi ng tulong sa kanya kung saan siya naman may kasalan nito. Hindi mangyayari ito kung hindi dahil sa kanya. Kailan ko ng may masisi para kahit paano gumaan naman ang luob ko. Siya at siya lang ang ugat kung bakit 'to nangyari sa amin.

"Breaking News! Isang lalaking nag ngangalang Dave ay binaril sa ulo ng isang magnanakaw. Ayun sa mga nakakita ay galing daw ang biktima sa isang bangko upang mag-withdraw ng pera upang may ipang-bayad sa asawang na-comatose. Nakita nito ng suspek sa dami raw ng perang nilabas ng biktima ay tila na-akit siyang kunin ito. Nag-pumiglas ang biktima kaya walang atubili na binaril siya ng suspek para makuha ng walang hirap ang mga pera. Nahuli naman agad ang suspek pero ang biktima ay dead on the spot."

Napatulala ako sa nangyari. Hindi agad na-proseso ang nangyari sa akin. Ilang minuto akong gulat na gulat dahil sa narinig ko.

Nanginginig akong napatayo dahil sa narining ko. Sunod-sunod tumulo ang aking luha tila para akong binagbaksakan ng langit at lupa dahil sa bigat na nararamdaman ko ngayon.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon