Chapter 14It's a date?
Hinatid ako ni Clin nun sa coffee shop. Sabi niya hindi na niya ako sasamahan dahil gagawa daw siya ng assignments niya. Mukbang naman kasing madami siyang gagawin kaya okay lang sa akin.
Iniisip ko pa rin kung sino 'yong bata na kasama ni Shean sa mall no'ng nakaraan. Anak niya kaya 'yon? Wala namang kaso sa akin kung may anak siya gusto ko lang na sabihin niya. Hindi naman siya nanliligaw sa akin kasi sabi niya gusto niya lang ako. Siguro paghanga lang ang nararamdaman niya sa akin kung hindi naman kasi paghanga lang 'yon, e, 'di sana niligawan na niya ako. Kahit na sa 21st Century na tayo ay naniniwala pa din ako sa pangliligaw.
Nandito nga pala ako sa mall balak ko ng balikan ang Calligraphy pen na balak kong bilhin. Regalo ko na lang siguro sa sarili ko. Malapit na pala magpasko ilang araw na lang kaya balak kong bumili na rin ng noche buena namin magka-kaibigan. Gano'n kasi kami hati-hati tapos siyempre ang maglu-luto si Hash. Natanggap ko na kasi ang sahod ko pati bonus kaya malakas ang loob kong bumili ng Calligrapy Pen.
Pagpasok ko sa NB ay nakita ko si Shean mukang may hinahanap. "Shean," tawag ko sa kaniya. Pagtingin niya sa akin ay mukang nagulat siya nung nakita ako. May tinatago siya sa likod niya ng kung ano.
"L-Lena..." gulat pa niya akong tinignan. Para tuloy nahuli siya sa isang masamang bagay dahil sa itsura niya.
"Bakit mukang gulat na gulat ka naman ng makita ako?" sabi ko at lumapit sa kanya. Siya naman ay umatras at pilit tinatago ang dala.
"W-wala..." umiwas siya ng tingin sa akin. "Why are you here?"
"Bibilhin ko na kasi 'yung Calligraphy Pen na gusto ko," sabi ko. "Sige punta lang ako duon." naglakad na ako papalayo sa kanya para balikan ang tinago kong Calligraphy Pen.
Pagtingin ko sa pinagtaguan ko ay nawala na."Ate," tawag ko sa isang sales lady.
"Yes, Ma'am?"
"May Calligraphy Pen pa po ba kayong stock?" tanong ko.
"Wait, let me check po." naglakad siya sa pinag-tignan ko rin kaya sinundan ko siya. "Wala na po pala, Ma'am."
"Wala na talaga, Ate? Kahit ibang tatak na lang?" napanguso kong tanong sa kanya.
"Wala na po talaga, e."
"Kahit isa na lang, Ate? Wala na talaga?" naiiyak na ako kasi gusto ko 'yong regalo para sa sarili ko this christmas. Matagal ko rin kasi 'yon pinag-ipunan.
"Wala na po talaga, Ma'am." iniwan na niya ako dahil may tumawag sa kanya.
"Sige po, salamat." malungkot na lang akong lumabas ng NB.
"Lena!" tawag sa akin.
"B-bakit?" hindi mai-pinta ang mukha kong tinignan si Shean.
"What's that face?" he pointed my face.
"Kasi naman, e." naiiyak na ako.
"Why?" Lumapit siya sa akin at yumakap. "Hey, don't cry," hinihimas niya ang likod ko. Tuloy pa rin ako sa pag-iyak.
Kumalas ako sa pagyakap sa kanya at pinunasan ang aking luha. "U-una na ako. Sorry sa abala."
"Wait," Habol niya sa akin. Hinawakan niya 'yung pulso ko tapos hinatak niya ako kung saan.
Dahil wala akong nagawa ay nag-pahatak naman ako sa kanya.
"Hoy, saan mo 'ko dadalhin?"
"What ice cream do you want?" tanong niya pagpasok na pagpasok namin sa ice cream parlor.
BINABASA MO ANG
Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)
Fiksi RemajaAno ang gagawin mo kung ang isang tao ay magpapakita sa 'yo ng motibo tapos iiwan ka rin dahil sa maling conclusion sa isip niya? Tataggapin mo pa ba ito o magiging pusong bato na lamang ang iyong puso? Sabi nga nila na ang love raw ay deserve ng s...