Chapter 19Su-suportahan kita
Nandito pa rin kami sa resthouse nila Bray and to be exact ay nandito ako bumahanginan nakaupo at malayo ang tanaw sa dagat.
Maganda dito, hindi naman ito malayo sa siyudad pero mararanasan ang magandang tanawin at simoy ng hangin. Perfect ito upang makapagisip-isip ka.
Si Bray at iba ko pang mga kaibigan ay nasa kani-kanila pang-higaan. Maaga lang talaga akong nagising ngayon, hindi ko lang alam kong ano'ng dahilan gayong lata na kami nakatulog kagabi.
"Musta, ka?"
"Ay kalabaw ka!" napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. "Bakit ka ba nanggugulat Givi?"
Hindi siya kumibo ng ilang minuto. Malayo ang tingin niya na para bang hinahanap niya ang katapusan nitong dagat kahit imposible iyon.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," hindi manlang nag-abalang tumingin sa akin. "Alam mo 'yong ginagawa mo, Lena. Hindi ko naman gustong mangyari sa inyo ulit 'yon, ayaw na ayaw kong mapahiya kayo, ayaw na ayaw ko sa lahat 'yon."
Ang tingin niya sa akin ay makahulugan na para bang sinasabi niya na ayaw niya ulit mag-yari sa amin 'yon. Ito, ako pinipigalan bumagsak ang aking luha.
"Hindi naman ako tutol, e. Gusto ko lang na maging masaya ka, pangarap ko 'yon sa 'yo. Masaya ako na masaya ka pero sana alam mo na sa kabila ng kasiyahan merong kaakibat na lungkot." ngumiti siya sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit. Kanina pa basang-basa iyong mukha ko dahil sa luha ko.
"Givi—"
"Nandito lang ako kung ano'ng mangyayari. Susuportahan kita pero dapat alam mo na ang pag-suporta ko sa 'yo ay may limitasyon kasi alam kong magiging masaya ka sa kanya kahit ang dahilan lahat ng paghihirap mo ngayon ay dahil sa—"
"Givi hindi naman siya." mabilis na sumingit ako sa balak na idugtong pang-salita ni Givi.
"Alam ko." tumango siya. "Desisyon mo naman 'yan, nandito lang ako para suportahan ka."
Napatahimik ako sandali. Sobrang suwerte ko na meron akong Givi na hinding-hindi niya ako iiwan, susuportahan lahat ng gusto kong mangyari sa buhay kahit...
"Iwan na kita." tumayo na siya at iniwan akong makatanga sa harap ng dagat.
Tahimik kong ninamnam ang mga sinabi ni Givi sa akin. Tumagos mula sa puso iyong sinabi niya. Mahal na mahal ko 'yang si Givi, siya iyong unang naging kaibigan ko sa kanilang lima siya iyong naging sandalan ko sa tuwing may problema akong kinakaharap. Hindi ko maisip na lumayo sa kanya kahit sobrang strict niya sa amin.
Patuloy umaagos ang luha ko at pinabayaan na lang itong tumulo sa aking mukha. Gusto kong maging mahina kahit ngayon lang, pagod na akong ipakita na malakas ako, pagod na akong magpanggap.
Madami akong dapat gawin hindi iyong ganto. May responsibilidad akong dapat pangatawan, may umaasa sa akin na dapat matapos ko itong pagaaral ko hindi iyong ganto 'yong ginagawa ko. Masaya ako, e, masaya pero sabi nga ni Givi ang saya ay may kaakibat na lungkot.
"Okay ka lang?"
Pag-angat ko ng tingin ay nakita kong si Clin ang umupo sa tabi ko. Tanging tango na lang ang nasagot ko.
Inakbayan niya ako at pinasandal sa kanyang braso dahil sa ginawa niya ay mas lalo akong naiyak. Ewan ko feel ko ang hina-hina ko, dapat malakas ako, dapat maging matatag ako.
"Okay ka na?" tanong niya ng medyo huminto ang pagiyak ko.
I nodded.
"Tara kain na tayo," inalayan niya ako papuntang bahay.
BINABASA MO ANG
Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)
Teen FictionAno ang gagawin mo kung ang isang tao ay magpapakita sa 'yo ng motibo tapos iiwan ka rin dahil sa maling conclusion sa isip niya? Tataggapin mo pa ba ito o magiging pusong bato na lamang ang iyong puso? Sabi nga nila na ang love raw ay deserve ng s...