Chapter 25

144 7 0
                                    


Chapter 25

Pregnant

Lutang akong bumalik sa trabaho ko. Hindi ko alam kung bakit gano'n iyong nangyari. Hanggang ngayon hindi pa rin pumapasok sa isip ko iyong nagyari kanina. Tumulo na naman iyong luha ko papasok sa shop. Hindi ko yata kaya ang sakit. Sobrang sakit.

Kung hindi lang ako tinapik ng babae kanina, e, hindi pa ako makakapunta rito. Ano ba kasi talaga ang problema? Ako ba? Kung ako, bakit hindi niya ako pakinggan? Magpapaliwanag naman ako, e. Ang hirap kasi sa kanya, madali siyang mag-conclude kung ano-ano agad pumapasok sa isip niya. Wala siyang balak na tanungin kung tama ba iyong nasa isip niya. Natatakot siya. Natatakot siyang malaman iyong totoo.

Lihim akong napa-iyak habang nandito sa staff room. Walang tao kaya malaya kong mailabas lahat ng masasakit na paratang niya sa akin na kahit kailan hindi ko naman nagawa.

Inaamin ko naman na mahal ko na siya. Hindi lang siguro mahal kung hindi mahal na mahal na mahal ko na siya. Kung kailan mahal ko na siya tiyaka ito mangyayari. Sino bang pangha-hawakan ko? Kung iyong taong laging nandiyan sa akin ay iniwan ako. 'Yong taong laging karamay ko sa lahat ay iniwan akong parang tanga.

"Okay ka lang?" hindi na ako nagabalang mag-angat ng tingin dahil alam ko naman na si Nayeli iyon. Parehong kamay ko ay tinakip sa aking mukha. "May problema ba?" pinasandal niya ako sa balikat niya. "Uwi ka na muna. Ako na magsasabi kay Manager." malumanay na sabi niya habang tinatapik ang balikat ko.

"Hoy, Nayeli—" sigaw ni Hunter pero napatigil siya nung makita ang kalagayan namin. "Anong nangyari riyan?" turo ni Hunter sa akin.

"It's none of your business," pambabara ni Nayeli kay Hunter.

"English, english ka pa, hindi mo naman alam 'yung spelling."

"Ako? Hindi alam?"

"Oo," direstsang sabi ni Hunter.

"Sabi ko nga," pagsuko ni Nayeli. "Para may ambag ka naman sa ekonomiya, hatid mo 'tong si Lena sa apartment niya."

"May ambagan ba?" halata sa mukha ni Hunter ang pagkalito.

"Oo, meron. Actually, kulang pa sa buhay mo,"

"Oh, e, bakit buhay ka pa?"

"Aba—"

"Tama na nga 'yan," suway ko. Kinuha ko ang bag ko sa locker ko at isinukblit ko na sa aking braso. "Una na ako. Pakisabi kay Manager, mag-leave ako ng isang linggo," Naglakad na ako papalabas ng coffee shop.

"Wait lang!"

Pag-tingin ko sa tumawag sa akin ay nanlaki ang mata kong namaga dahil sa kakaiyak ng makita ko si Zane na hinahabo ako, halatang pagod dahil sa pag-habol sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" kunot noong tanong ko.

"Balak sana kitang dalawin. Ah, basta." iwas ng tingin niya.  "Hatid na kita," kinuha niya iyong bag ko.

"Hindi na—"

"Tara na," hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinatak na niya ako papuntang sakayan ng jeep.

Tahimik lang akong nakatingin sa mga kotseng dumaan sa harapan ko. Iniisip ko kung may pagkakamali ba ako, iniisp ko kung may problema ba sa akin, iniisip ko kung may pagkukulang ako. Nagmukha lang akong tanga na kala ko kaya niya akong hintayin, kala ko kaya niyang pangatawanan iyong sinabi niya na mahal niya ako. Akala ko lang pala 'yon. Isang malaking akala.

"Oh," nilahad ni Zane sa akin iyong panyo niya.

"Huh? Anong gagawin ko diyan?" naguguluhang tanong ko.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon