Chapter 31New life
"Ladies and Gentleman, we have just landed at Ninoy Aquino International airport. SkyTech welcomes you to Manila. On behalf of your flight crew headed by Captain Gonzales with his co-pilot Mendoza. We thank you for choosing SkyTech as your airlines. Have a nice day!"
Matapos 'kong i-announce iyon ay nagsimula na akong tulungan ang mga pasahero na kunin sa compartment ang kanilang mga gamit.
"Nice announcement," papuri sa akin ni Marie, isa sa mga kasama kong flight attendant.
"Hoy, thank you." nakangiti kong pasasalamat.
"Inaabangan ka raw ni Cap." Bulong niya sabay sundot ng aking tagiliran.
"Huh? Bakit daw?" naguguluhan tanong ko. Naga-ayos na kasi ako ng gamit ko dahil kakatapos lang bumaba lahat ng pasahero.
"Manhid ka, girl?" irap niya. "May gusto sa 'yo si Cap!"
"May anak na 'ko," palusot ko kahit alam ko naman na hindi gagana iyon.
"Sus, parang hindi naman alam ni Cap 'yon,"
Sabi na, e, hindi gagana na may anak na ako.
"Ayan na si Cap," bulong ni Marie sa akin.
Sinalubong ako ni Cap. Gonzales dito sa deck. Para siyang aso na sunod ng sunod sa akin habang naglalakad kami rito. Ang heels namin ay umiingay sa bawat hakbang namin.
"Lena, hatid na kita?" Cap Gonzales asked.
"Ay, hindi na po, Cap. May sundo po ako ngayon," pagtangi ko.
"Sino?" He asked.
Nandito na kami sa tapat shuttle van. Hindi ako magpapahatid ngayon dahil madami pa akong dapat gawin. Alam ko naman na kapag nasa shuttle van kami ay magyaya iyan sila sa inuman at kung ano-ano pa. Wala akong oras para sa gano'n.
"Ayan na po pala." natanaw ko na ang isang pamilyar na sasakyan.
"Hindi ka sasabay sa shuttle?"
"Hindi na po, Cap next time na lang." nakangiti kong sabi.
"Okay." he polietly nodded. "By the way, next week is my birthday,"
"Sige po pupunta ako," pupunta na lang ako nakaka-konsensya naman kung hindi. Tinignan ko na silang lahat para mag-paalam. "Una na 'ko, guys. See you sa next flight!" kaway ko.
"Ingat, Lena!" sigaw ni Marie sa akin.
Everyone bid their goodbyes bago ako tumakbo papalit sa sasakyan. Masayang bumaba si Ai sa akin para ilagay sa likod ng ganyang sasakyan ang aking maleta.
"Musta, Dubai?" tanong niya.
"Nakakapagod, gusto ko ng magpahinga," sumalampak na ako sa front seat. "Inaantok na 'ko,"
"Alam mo," panimula niya pagsakay niya sa driver seat.
"Hindi," pambabara ko kahit pagod akong nakasandal sa upuan.
"Bwisit ka talaga, Alena Leana!" pikon na sabi niya.
"E, 'di wow, Aiden cheese." natawa na lang din ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya.
"Pagod ka pa sa lagay na 'yan? Nakuha mo pa nga akong asarin." parang batang siya nagtampo niya.
"Mag-jowa ka na kasi. Ang tanda mo na!" singhal ko sa kanya.
"Hiyang-hiya naman ako sa 'yo, Lola Lena," ngusi niya.
"Heh," pikon na sabi ko.
Natahimik kami sa loob ng sasakyan siguro gawa na din ng sobrang pagod ko sa trabaho. Ang layo ng Dubai. May jet lag yata ako.
BINABASA MO ANG
Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)
Teen FictionAno ang gagawin mo kung ang isang tao ay magpapakita sa 'yo ng motibo tapos iiwan ka rin dahil sa maling conclusion sa isip niya? Tataggapin mo pa ba ito o magiging pusong bato na lamang ang iyong puso? Sabi nga nila na ang love raw ay deserve ng s...