Chapter 36

177 11 4
                                    


Chapter 36

Kian

"Hoy!" sigaw ko.

"Ano?" taas kilay nitong tanong sa akin.

"Bakit gano'n?" tanong ko.

"Ano'ng gano'n?"

"Bakit ang panget mo?" humagalpak ako ng tawa sa harapan niya.

"Saya ka riyan?"

"Oo, nga. Happy pill kita, e." umakbay ako sa kanya. "Saan tayo?"

"Sa Eiffel Tower." turo niya duon sa tower na kahit nasa hotel kami ay tanaw na tanaw ito.

Nandito kami ni Zane sa Paris dahil may shooting siya at sinama niya ako. Nag-leave rin kasi ako ng isang linggo dahil balak kong mag-out of town mag-isa. Pero sa sobrang mapilit itong si Zane ay hinila ako rito.

"Wala ka talagang shooting ngayon?" tanong ko habang kumakain ng chichirya sa aking kama.

"None." sagot niya. Tumalon siya sa kanyang kama at niyakap ang kanyang unan.

"Ang akala ko pupunta tayo sa Eiffel Tower, ha?!" inis ko siyang binato ng chips.

"Bukas na lang antok na ako." mahinang sabi niya. Mukha nga siyang inaantok kaya pinabayaan ko na lang.

First day pa lang namin ngayon, e. Inabala ko na lang ang sarili ko sa panonood ng movie habang sunod-sunod na kumakain ng chichirya. Hangang sa dinalaw na lang ako ng antok.

"Gising na, hoy!" hinampas ko si Zane ng malakas gamit ang unan.

"Mamaya na," ungot ni Zane at mas lalong binaon ang sarili sa kanyang unan.

"Hala, sige! Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko ng malakas. "Ako na lang muna. Hintayin kita sa Eiffel, understood?!"

"Opo, 'Nay Lena."

Yakap ko ang sarili habang nakatanaw sa maraming taong nag-enjoy sa kanilang kanya-kanyang ginagawa sa sarili. Meron mag-jowa, mag-kaibigan, at meron din namang katulad ko na mag-isa lang. Ang ganda ng sikat ng araw kaya hindi ka masyado maiirita dahil hindi masyadong masakit sa balat.

Inabala ko ang sarili sa pagtanaw ng mga taong nag-babaksyon din katulad ko. Malawak ang ngiti, sobra. Nawala lahat ng bigat sa dibdib ko kasi unti-unti ko ng tinanggap na wala na talaga, tapos na. Pakunti-kunti na hindi ko namamalayan ay naubos na pala lahat. Naisip ko lang na hindi ko naman kailangan mag madali para roon. Makakarating din ako, hindi ngayon, pero malay mo bukas wala na pala lahat.

I wish that the pain I am feeling now will make you happy. I am the cause of the pain you feel but I feel twice as much. Masakit, e. Sobra, akong nagsisi pero wala na, nagawa ko na, hindi ko na mababalik lahat ng iyon.

Kung bibigyan ako ng pagkakataon na mabago ang desisyon ko siguro iyon pa rin ang magiging desisyon ko. Pamilya muna kasi bago ang sarili ko, e. Sobrang importante nilang dalawa sa akin hindi ko sila kayang mawala, hindi ko sila kayang mag-hirap. Pangako kay Mama na makakapag-tapos ako, isasakay ko sila sa eroplano kahit hindi na sila kahit ang mga kapatid ko na lang.

Iniiyak ko na lang lahat ng sakit, araw-araw kong dinadamdam iyon. Choice ko kaya dapat ko siyang pangatawanan, kahit alam kong ikadudurog ko siya. Pinili ko ito, e, panindigan ko.

Tulo ng tulo ang luha ko habang nakatanaw sa Eiffel Tower. Kung gaano kataas iyon, iyon din ang gusto kong maabot sa mga pangarap ko, na naabot ko na ngayon pero laging may kulang sa puso ko na alam ko na siya lang ang makakapuno roon.

Kailan ko kaya ulit siya makikita? It's been already three years since I last saw him. Umaasa pa rin kasi ako na makita siya. Kahit masilayan ko lang siya magiging masaya na ako, kahit alam ko sa sarili ko na masasaktan ako siya kapag nakita ko siya. Mas nangingibabaw pa rin kasi na gusto ko siyang makita kahit isang minuto lang o kaya kahit thirty seconds lang.

Definitely In Love With You (La Espresso Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon