DEANNA'S POV
A few days before the game, nag online fans day naman yung dalawang Rebisco Teams.
Creamline yung na una and no matter how hard I try, yung mga mata ko pumupunta talaga sa mukha ni Jema.
Ang blooming nya ha.
Already doing better without me, I guess.
"Pssssst! Wag masyado magpadala, baka ma iyak ka na naman" bulong sakin ni ate Mads.
"Di naman ate. I'm just curious what she's thinking. Nasaktan din ba kaya sya? Parang di naman" malungkot na sagot ko.
"It doesn't matter now. Importante, ikaw. Wala naman tayong magagawa sa nararamdaman nya"
"Ang galing lang kasi. Tingnan mo oh bibong bibo parin sa games. Not even a hint of sadness in her eyes"
"Baka magaling lang din sya magpanggap na masaya"
"Or baka wala lang talaga syang pake sakin"
"Don't say that Deans, I'm sure she had her reasons" sabi naman ni ate Kat sa likod.
Aba aba! Chismosa din talaga tong isa eh.
"At kelan kapa natutong mag tagalog ha?" natatawang sabi ko.
"I can understand it quite well, I just can't speak it haha"
Tumahimik muna kami at baka marinig pa kami ng ibang teammates namin.
Si Ate Bei at Ponggay naman naka taas yung kilay samin.
Alam ko yan eh. That's the 'bakit di kami kasali sa chika' look. Eh pano ba naman, andun sila pumwesto sa may table na puno ng Choco Mucho. Ang tatakaw talaga haha.
Pagkatapos ng Creamline ay pinaupo na din kaming lahat sa harap ng camera.
It's our turn to shine naman daw.
I tried my best to smile at ipakita rin kay Jema na hindi ako affected.
Two can play that game.
Ang tanong lang is, nanonood ba kaya sya? Baka isinumpa na nya yung pagmumukha ko.
Pero talo ako, I couldn't keep up my facade when it came to the video greetings from my fam.
Na iyak talaga ako. I couldn't help it.
Naghahalong tears of joy kasi nakakapag smile na si Dad and longing din kasi miss na miss ko na sila lahat.
Video call naman kami every night pero iba talaga pag kasama sila.
I could see the pride in my Dad's eyes though. Hindi ko talaga sya pwedeng ma disappoint.
I need to get over Jema and I need to do it fast.
Hindi na pwede to. I need to get my game on.
I'm done feeling sorry for myself.
-------------------------------------------------------
I was just in my room listening to some music while resting nang may kumatok sa pinto.
I got up to open it and to my surprise, it was my teammates at may dalang cake with candle.

YOU ARE READING
Written In Reverse
Romance2nd book about Gawong. I took on a different angle so at the beginning for this story is they're already together. Rated SPG pa rin po so please for open minded people only. This might not be as good as my first story though but I'll try my best.