Part 20

3.2K 82 11
                                        




JEMA'S POV





The next day, maaga akong gumising para pumunta ng bayan. I need to buy some supplies muna since sa hapon pa naman yung training.


Hila hila ko yung motor na nirerent ko dito patungo sa exit ng resort.


"Jema! Good morning. Pupunta ka ba sa school? Can I watch your training?" sabi ni Lexie.


"Good morning Lex. Sa bayan lang ako may bibilhin lang. Mamayang hapon yung practice namin."


"Oh uhm kung okay lang sayo, pwede sumabay? May mga nakalimutan din kasi akong bilhin"


"Oo naman. Marunong kaba mag backride? Baka mahulog ka eh rich kid kapa naman haha"


"Ui hindi ah. Sanay na ako mag motor dito."


When we reached the exit. I positioned myself on the motorcycle. Sumakay naman sa likod si Lexie.


Nang hawakan nya yung bewang ko, bigla naman nanlambot ang mga tuhod ko kaya muntik kami ma out balance.


Shit. Ano ba to?


"Sorry. Di lang ako sanay na may backride but promise marunong ako mag drive hehe" sabi ko sa kanya.


"It's all good. Just don't kill us both haha"


As the days passed, mas naging close pa kami ni Lexie.


Palagi syang nanonood ng training namin ng mga bata.


Gustong gusto naman sya ng mga ito kasi binibilhan nya ng ice cream kapag nagsisipag sila sa drills.


Some days, dun kami tatambay kila ate Lucy kasi may kuhang seafood palagi si kuya Dencio.


"Alam mo yang si Lexie nong bata sya halos di na umaahon sa dagat. Sobrang itim na nya non. Nagtataka nga ako ba't di pa sya natubuan ng palikpik eh" natatawang sabi ni kuya Dencio.


Binata palang ito ay kina Lexie na pala sya namamasukan.


"Grabe ka talaga sakin kuya ha! Jema oh binubully ako." sabi ni Lexie sabay kapit sa braso ko.


Kinilig naman ako dun.


Mas lumaki pa yung paghanga ko kay Lexie as I got to know her.


Never nya trinato sina kuya Dencio at ate Lucy na katulong or empleyado lang nila. Sa halip ay parang pamilya talaga ang turing niya sa kanila. Ganon din sya sa ibang staff ng resort.


Spoiled na spoiled din si Zoe sa kanya at palagi nyang binibilhan ng mga damit sa tuwing pumupunta kami ng bayan.


Sa kasamaang palad nga lang eh babalik na sya ng states bukas.


Di ko alam pero parang ang lungkot ko. Mamimiss ko talaga to eh.


She invited me for dinner kasi madaling araw daw sya aalis papuntang Manila so she doesn't miss her flight.


Dun daw kami sa separate chalet malapit sa restaurant ng resort.


I wore a black tank top and short shorts. Naka pony tail naman ang buhok ko.


When I reached the chalet, naka antay na dun si Lexie.


She was wearing a shite loose long-sleeved polo and khaki shorts. Ang fresh nyang tingnan.


Written In ReverseWhere stories live. Discover now