Part 19

3.2K 76 14
                                        




JEMA'S POV








"Baby! Wait lang talaga ha. Malapit na to."





Nagmadali akong kumilos kasi kawawa naman ang baby na yan.






"Here we go. Yeah, you like that don't you? Oh dahan dahan lang."






Nakooo ang takaw talaga baka mabulunan to.





Kinuha ko sya sa crib at hinele hele. I smelled the top of her head.





Ewan ko ba. Ang bango bango talaga ng mga baby kahit wala pang ligo.






After nya mag dede ay pina burp ko naman.






"Ang cute cute mo talaga. Sakin ka ata nagmana eh? Ha? Mana sakin ang baby na yan? Mana sakin yan?"





Tuwang tuwa naman ito. She's speaking gibberish at akala mo naman nakikipag usap talaga sakin.


























































Sometime later, I heard the front door creak.

"Ayan na si Mommy mo! Puntahan na natin dali!"

Tinungo ko na ang pinto para salubungin ang taong dumating.













































































"Nako salamat talaga sa pag bantay dito kay Zoe Jema ha. Pasensya na talaga sa abala" sabi ni ate Lucy.


"Suss wala yon ate. Para ko na din kayong pamilya eh at ang cute cute kaya ni Zoe" sagot ko while pinching Zoe's cute little cheeks.


"Oh ayan na pala si Dencio. Dito kana kumain ha. May dala yang crabs tsaka hipon na sariwa pa." pag-aaya ni ate.


"Nako ate alam mo talaga di ako maka hindi kapag seafood na hehe"


Hayyy ang sarap pala ng buhay isla. Ang tahimik, ang lamig ng hangin and most of all unli seafood.


I took a 3-year break from PVL muna because I can sense that my game was really off. Kawawa naman kasi ang team kung ganon.


Nagpaalam ako na mag mental health break muna so I can give my 100% pagbalik ko. Good thing is super understanding naman ng Rebisco management.


Kaya ngayon andito ako sa Siargao. I really fell in love with this place simula nung pumunta kami ni Deanna dito.


I come here for 3-4 months at a time para mag volunteer sa isang public school dito. Nag co-coach ako ng volleyball sa mga bata and I can really say that there's a different sense of fulfillment in what I'm doing.


Just the thought that my time and effort might make an actual difference for these kids, fills my heart and soul.


Malay natin may ma inspire ako na mag pursige at magsumikap para maka tungtong din sa PVL soon.


Sa same resort din ako nag rent ng room. Nagandahan kasi ako sa bahay kubo style ng villa nila. Sina ate Lucy at kuya Dencio ang caretaker dito kaya napalapit na rin ako sa kanila.


Written In ReverseWhere stories live. Discover now