Uhhh..nga pala…. Hindi po ako naglalagay ng mga pov kasi parang “pocketbook format” po ito… ganoon kasi lagi ang mga ginagawa ko sa mga isinulat ko nastory noon pa kaya hulaan nyo na lang kung kaninong side yung story di naman ata xa masyadong magulo hehehe…
Madami-dami na din pala yung nagagawa ko..biruin nyo pang-27 na part na pala ito…
Keep on reading please
Eto na ung pang-27…
I OBJECT!!!
TULAD ng napag-usapan, ng weekend ding iyon ay magbabyahe na sila. Sabi ni Elle ay sa Batangas daw nakatira ang daddy nito dahil nandoon ang lupang pag-aari nito. Doon din daw ito lumaki. Medyo madilim pa ng umalis sila sa Manila.
Kasama nila sa byahe ang mommy nito pati ang mga magulang niya. Sumama din ang mag-asawa ni Kuya Anton at Ate Au. Si Crystal na kung ituring ng mga magulang niya ay para na ring sariling anak ng mga ito ay sumama din.
Ang kanilang family van na ang ginamit nilang sasakyan. Wala silang kasamang driver. Halinhinan na lamang sila ni Kuya Anton sa pagmamaneho, iyon ang usapan nilang magkaptid. Ang daddy naman nila ay hindi na nila pinahahawak pa ng manibela. Kunsabagay, kahit noon pa man ay hindi na halos ito nagda-drive.
Habang daan ay tahimik lamang sila. Tanging ang mga magulang nila at ang mommy ni Elle ang nagpapalitan ng salita. Nagtataka naman siya sa palitan ng tingin ng magkapatid na Aurelle at Crystal.
Ng makarating sila sa Batangas City ay nagpasya silang mag-stop-over muna sa isang fastfood restaurant upang mag-almusal. Wala silang pasabi na dadating sa bahay ng daddy ni Elle kaya malamang na walang nakahandang pagkain para sa kanila.
“Malayo pa ba ang bahay ng daddy mo dito sa Batangas City?” tanong niya kay Elle habang kumkain.
Hindi agad sumagot ang dalaga sa kanya. Inubos muna nito ang pagkain na nginunguya nito.
“Ah… Siguro one hour travel pa tayo…” sagot naman nito.
May kalahating oras din siguro sila doon. Hindi naman kasi agad sila nagbyahe pagkatapos nilang kumain. Medyo nagpahindag muna sila. Ayaw kasing mag-drive agad ni Anton. Busog daw ito kaya papalipas muna ng ilang sandali.
May kalahating oras na silang nagbabyahe ng may mapansin siya.
Nakatulog naman siya ng magbyahe uli sila.
Siya ang nakaupo sa front seat habang si Anton naman ang nagda-drive. Mas mabuting sa unahan na sila pareho maupo para nga naman madali para kanila na magpalit sa pagda-drive.
Naramdaman na lamang niya na may gumigising sa kanya.
“Marco, andito na tayo sa bahay ni daddy… Mamaya mo na lang ituloy ang pagtulog mo…” narinig niyang sabi ng isang tinig na nakilala niyang si Elle.
Mahaba-haba din pala ang nagging tulog niya at hindi na niya namalayang nakarating nap ala sila sa kanilang pupuntahan.
Medyo nakapikit pa siya ng bumaba sa sasakyan saka nag-inat-inat. Nasusulo kasi siya sa sikat ng araw at isa pa nga ay parang nabibitin pa siya sa pagtulog niya sa byahe pero biglang nawala ang nararamdaman pa niyang antok ng makilala ang tanawin na nasa harapan niya.
“D-dito nakatira ang daddy mo?” nauutal niyang tanong sa “fiancée” niya.
Nagtataka man sa inaasal niya ay tumango ito.
“Why?” tanong ni Elle.
Nahagip ng mga mata niya ang kanyang hipag na matamang nakatingin din sa kanya na tila ba sinasabing “Don’t you dare to say anything to Elle…”
BINABASA MO ANG
Destined To Be With
RomansaSi Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang ito. Hindi maganda ang una nilang pagkikita ganun din ang kanilang pahihiwalay... What will happen w...