May nagbabasa ba? Paramdam naman..
Bkit d q mafeel?
Short update lang..
=================================
please don’t go…
HINDI pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi niya inaasahan na sa ganoon matatapos ang pag-uusap nila kanina.
Andito siya ngayon sa labas ng emergency room at hindi mapakali. Labas-pasok sa loob ang mga nurse at ilang doctor. Hindi niya alam kung anon a ang status ng pasyente. Everytime kasi na magtatanong siya ay hindi siya masagot ng mga ito. Puro paumanhin lang ang naririnig niya. Paumanhin na hindi makakapag-explain ang mga ito.
Critical ang pasyente. Yun lang ang sigurado.
Hindi din niya magawang contact-in ang mga magulang nila. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa mga ito ang nangyari. Sarili niya ang kanayang sinisisi ng mga oras na iyon. Sana hindi siya nag—
BIglang nagkagulo. Sugod ang ilan pang doctors at nurse papaunta sa loob ng emergency room. Mula sa pagkakaupo niya sa waiting area ay napasugod siya sa may pinto ng emergency room. Pinipilit niyang silipin kung ano ang nangyayari sa loob pero tanging ang green curtain lamang ang nakikita niya.
Lumabas ang isang doctor. Tila nagpapanic na din ito.
“Doc, what’s happening?”
“We are doing our best to revive the patient. If you’ll just excuse me. Kelangan kong magmadali…” anang doctor.
Nanlalambot na napaupo siya sa isang sulok at sinabunutan ang sarili.
‘Shit! Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi dahil sa akin, wala sana siya sa loob!’
MADILIM!
Iyon ang reaksyon niya. Bakit kahit anong pilit niya ay wala siyang makita. Nasaan ba siya? Hindi siya pamilyar sa lugar na iyon saka bakit wala siyang makitang kahit kaunting liwanag man lang?
Teka! Parang may narinig siyang tumatawag sa kanyang pangalan. Alam niya nasa may kalapit lang niya ang tumatawag pero bakit pakiramdam niya parang hindi niya ito maabot.
Paraang gusto niyang pangapusan ng hininga. Bakit ba ganoon ang nararamdaman niya? Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit wala siyang matandaan?
Sa kanyang pag-ikot, may natanaw siyang napakamunting liwanag. Kahit madilim ay naglakad siya patungo sa liwanag na iyon. Hindi siya tumitigil. Gusto niyang makarating agad sa natatanaw niyang liwanag pero bakit ganoon? Parang kahit anong lakad at takbo niya ay hindi siya makakarating? Pero pursigido talaga siya.
Tumakbo siya ng mabilis. Tanaw niya, parang unti-unti ng nawawala ang liwanag na kanina pa niya natatanaw. Sa wakas, kaunti na lang malapit na…
Nang makalapit siya, noon niya nakita ang isang taong nakatalikod.
“Sino ka?” tanong niya dito.
“Sigurado ka ba sa nais mong mangyari? Oras na lumapit ka sa liwanag na iyan, hindi ka na maaaring bumalik…” sabi ng taong iyon.
“Oo, sigurado ako. Saka, bakit naman ako babalik? Gusto ko ng umuwi!” inis na sabi niya.
“Hindi mo naiiintindihan ang ibig kong sabihin. Oras na lumapit ka sa liwanag na iyan, iba na ang uuwian mo…”
‘Ha? Ano daw? Bakit parang ang gulo naman ata?’
Naramdaman niyang parang may umihip na malamig na hangin. Malakas iyon at parang nadadala siya. Lumapit siya sa liwanag na iyon…
KITANG-KITA nilang lahat ang nangyayaring iyon. Unti-unting humihina ang heartbeat niya.
One week. One week straight na siyang nakahiga sa kamang iyan at kung anu-anong mga apparatus ang nakakabit sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.
Tinapat na sila ng doctor.
“The patient is still in coma. Hindi nagrerespond ang katawan niya. Patuloy din ang paghina ng heartbeat niya ganun din ang kanyang pulse. I cannot assure na makakarecover siya. Just get yourselves ready sa anumang maaaring mangyari…”
Dahil sa kalagayan nitong iyong ay pinayagan na sila kanina, ang pamilya niya maging ang pamilya nito, na sabay-sabay silang lahat na pumasok sa loob ng ICU at hindi pa man sila nagtatagal sa loob ng biglang mag-ingay ang apparatus na nakakabit dito.
Flat line!
Agad na tumawag sila ng doctor. Hindi na nagawa ng mga ito na palabasin sila sa loob ng ICU.
They are doing their best para lang marevive ito. After so many attempts, wala pa ring nangyari.
“I’m sorry…” malungkot na baling sa kanila ng doctor. “We did our—“
“DOC!!!”
============================
Magulo ba kasi di mo malaman kung sino ang alin? Ako din naguluhan eh..
Maiksi ba? Maiksi lang talaga xa wahahahaha!!!!!! Pero take note, nahirapan din ako sa part na ito. Hirap kaya mag-isip kung paano ko gagawin ‘to na di bumabanggit ng kung sino yung—basta yun nay un! Hahaha
Baliw ako ngayun, cnxa naman
Abangan next chapter hehehe…wala lang
Any viokent reaction???comment na lang
May nalaman ako kani-kanina lang…(special mention—sm at mae, anung iniintay nyo) hahahaha(03-14-13)
BINABASA MO ANG
Destined To Be With
RomanceSi Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang ito. Hindi maganda ang una nilang pagkikita ganun din ang kanilang pahihiwalay... What will happen w...