his likes and dislikes..my plans
KAHIT pagod dahil sa mahabang byahe ay hindi makatulog si Allorah. Paano ba naman, kahit ipikit niya ang kanyang mga mata ay ang gwapong mukha pa rin ni Marco ang kanyang nakikita.
Sa dami ng mga naging boyfriend niya noon sa France ay hindi nangyari ang ganoon sa kanya kahit minsan.
E paano nga kasi, kaya lang naman siya nagpapaka-pasaway sa France ay dahil may pagrerebelde siyang nararamdaman para sa mommy niya.
Simula ng pumunta sila doon ay never na silang nagkaroon ng communication sa daddy niya. Hindi pala, minsan ay nakausap niya ito sa telepono. Iyon ay noong tumawag ito at siya ang nakasagot. Wala noon ang mommy at ate niya. Nag-grocery ata ag mgaa ito at hindi naman diya mahilig sumama sa lakad ng mga ito.
Ayon sa daddy niya, lagi itonng tumatawag at palagi ding pinagbababaan lamang ito ng ng telepono ng mommy niya. Iyak siya noon ng iyak. Miss na miss na niya ito. Palibhasa daddy's girl siya at noon lang siya napawalay dito ng matagal.
Sinabi ng daddy niya na hindi ito umalis sa bahay nila sa Batangas at doon nito hihintyin ang pagbabalik nila kahit walang kasiguraduhan kung kailaan iyon. Hindi daw nito ipababago ang number ng telpono doon para anumang pras ay makontak nila ito. Noon ay maliit paa lamang ang lupaing pag-aari ng daddy niya at nagkataon pa na may kinakaharap na problema ang maliit nitong farm.
Iyon ang dahilan kaya naghiwalay noon ang mga magulang niya. Gusto kasi ng mommy niya na ipagbili na lamang ang farm at makipagsapalaran na lamang sila sa ibang lugar o kaya ay mangibang bansa.
Hindi pa man sila matagal na nagkakausap ay dumating aang mommy niya at mahabang sermon ang napala niya dahil sa pakikipag-usap niyang iyon sa ama. Mula noon ay hindi na niya nakausap ang daddy niya. Ang cellphone niya ay nakamonitor ang lahat ng text at tawag kaya di siya makakontak sa daddy niya.
At ngayon nga sa pag-uwi niya ay bawal niyang puntahan man pang ang kanyang ama.
Hay naku, boyfriend ang pinag-uusapan, bakit ba naalala na naman niya ang nangyari saakanyang pamilya noon.
So, iyon nga. Parte lang ng pagrerebelde niya ang pagkakaroon nga iba't obang boyfriend pati na rin ang pagiging pasaway niya.
One time nga, nakatulog siya sa presinto doon. Nagkaroon kasi ng away noon sa bar at saktong barkada niya ang sabit. Syempre mabuti siyang kaibigan kaya nakisali siya. Hindi niya iniwan ang mga ito.
Akala niya ay hindi siya makakalabas ng presinto. Mabuti na lang mabait ang barkada niya at nagtulungan ang mga ito na mailabas siya mkalipas ang apat na araw niya na pagkakakulong. Hindi siya pinuntahan ng mommy niya doon kaya galit na galit siya dito.
At ngayon na nararamdaman niyaang nakilala na niya ang lalaking gusssto niyang makasama habang buhay ay hindi na niya ito pakakawalan pa.
Sabi ni Kuya Anton, tila gusto ni Marco ay isang domestic type na babae. Iyon bang magaling magluto at marunong ng iba pang gawaing bahay. Sabi naman niya, in short ay katulong.
Hindi naman sa pagmamayabang pero expert siya sa kusina at marunong siya sa gawaing bahay, hindi nga lang halata. Nagpaturo kasi siya sa nanay nunn kaibigan niya na si Sandy na magluto, pero lihim yun sa mommy niya. Tamad kaya siya sa bahay nila.
Kaya ang plano niya, gagamitinn niya ang lahat ng nalalaman niya sa kusina para mapa-ibig si Marco.
Sabi nga e the way to aa man's heart is through the stomach.
Hahaha. Sisiguraduhin niyang malilimutan ni Marco ang pangalan nito.
Ayon din kay Anton ay kalimitang nasa penthouse umuuwi ngayon si Marco at twice a week ay may pumupunta doong katulong upang maglinis at maglaba.
At dahil gagawin niya ang lahat para dito, siya ang maglilinis sa penthouse at maglalaba ng mga damit nito.
Sinabi din ni Anton gusto ni Marco ay isang babaeng mahinhin kung kumilos. Bagsak na siya dun at di na niyaa mababgo pa iyo. Ayaw daw nito sa mga kung magdamit ay kala mo kinapos ang tela. Well, magagawan naman ng paraan yun. Di naman siya masyadong ssexy kung manamit.
At ang pinaka malupit, gisto noto sa babae ay hindi kahabaan ang buhok at kelangan itim ang kulay.
Kumusta naman daw yun? Ang tagal niyang inalagaan ang hanggang bewang niyang buhok at nagpaparlor pa ng siya nung isang araw bago siya umuwi. Ang dating kulay blonde niyang buhok ay reddish brown na ngayun.
Iyon ang pinakamalaking sakripisyong gagawin niya kung saka-sakali. Ipapaputol niya ang buhok at pakukulayan niya ng itim!
Never pa na maging itim ang buhok niya kasi brownish naman talaga ag huhok niya simula't sapul aya hindi niya alam kung bagay sa kanya ang itim na buhok.
Isa pa, ayaw nito sa babaeng palainom. Madali namang remedyuhan iyon. Gaya ng nasabi niya, just few shots lang lagi siya. Mahina siya sa inuma eh.
At higit sa lahat, faithful.
Eh faithful naman siya. Never kaya siyang nag-two-time noon. Nakikipag-break muna siya bago niya sagutin ang pampalit niya.
Sana lamg talaga magustuhan diya ni Marco dahil kahit ang pinakaiingatan niya ay handa niyang ibigay dito kung hihilingin nito.
'Pikutin ko na lang kaya? Hahaha...'
Madaling araw na yata ng makatulog siyang may ngiti sa labi dahil sa kung anu-anong mga plano ang tumatakbo sa kayang isipan. Mga planong hindi niya alam kung magtatagumpay nga ba siya...
Basta inlove siya kay Marco, yun ang sigurado...
============================
ay kumusta naman yun...patay na patay talaga kay Marco...
BINABASA MO ANG
Destined To Be With
RomanceSi Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang ito. Hindi maganda ang una nilang pagkikita ganun din ang kanilang pahihiwalay... What will happen w...