Okay, inspired ako hahaha... Bakit? Secret! (deh, joke lang) waley lang, first chapter to na ginawa ko sa aking lappy toppy (hahaha may laptop na si author oh, hindi na sya sa office dadayo ng pagta-type ng update) anytime makakagawa ng ako ng updates ko kahit weekend syempre wag lang sasapian ni katamaran hehehe...
mahaba na din itong story na to, iniisip ko nga kung paano ko sya tatapusin, paang nanghihinayang ako hahaha pero every story has it's own ending kaya hindi pwedeng hindi ko tapusin mami-miss ko si Zabyne at Marco huhuhu)
keep on reading... (hindi pa naman ito matatapos, siguro mga more than five chapters pa hahaha pero pwede ding less than five chapters na din lang, anung gusto nyo readers?)
(pasensya po talaga matagal bago ako nakapag-update...)
effective medicine
PATULOY ang pagtunog ng cellphone ni Allorah. Napansin ata iyon ng driver ng sinasakyan niyang taxi.
“Ma'aam kanina pa po tumutunog ang telepono ninyo. Baka po may emergency kaya tumatawag...” sabi ni manong driver.
Dahil nahihiya naman siya na balewalain ito ay sinilip niya kung sino ang tumatawag. Eksaktong paghawak niya sa cellphone ay tumigil iyon sa pag-ring. Mahigit sampung missed calls na ang nakaregister doon at puro si Kuya Anton ang caller niyon.
Muling nag-ring ang celphone at sa pagkakataong iyon ay sinagot na niya iyon. Hindi pa man siya nakakapag-hello ay sinermunan na agad siya nito.
“Kanina pa ako tumatawag sa'yo, hindi mo sinasagot. Nasaan ka ba?” sabi nito.
“A-ah... Kuya, pasesnsya na, kasi ano—“
“Nasaan ka ngayon? Pumunta ka agad dito sa ospital!”
“O-ospital? Kuya anong nangyari?” gulat na tanong niya sa kausap sa kabilang linya.
“Dinala ko dito si Marco. Masyadong mataas ang lagnat. Kahapon pa ito nagrereklamo na masakit ang ulo eh sinabihan ko na nga na huwag na munang pumasok ngayon eh sadyang may katigasan talaga ng ulo ang asawa mo. Ang hirap pa naman nito pag nagkakasakit, daig pa ang bata...”
'May sakit si Marco. Eh bakit—'
“Pumunta ka na agad dito. Hindi ako maaaring magtagal ngayon dito sa ospital dahil may ka-meeting ako mamaya. Hindi ko naman pwedeng iwanan ang lalaking ito na walang bantay...”
“S-sige Kuya. Pupunta na ako diyan. Itatawag ko na lang kay Crystal na sunduin ang mga bata mamaya...” sabi niya dito.
Sinabi naman sa kanya ni Anton kung saang ospital nito dinala si Marco. Tutal naman ay malapit na siya sa condo nila ay ipinagdala na niya ng mga gamit si Marco. Pati siya ay nagbaon na ng gamit niya dahil hindi niya alam kung makakauwi ba siya agad mamaya. Nagpahintay na siya sa sinakyan niyang taxi para ito na din ang maghatid sa kanya sa ospital.
Habang nagbabyahe siya patungo sa ospital ay tinawagan niya si Crystal.
“Crystala, favor please...” sabi agad niya ng saguin nito ang kanyang tawag.
“Oh, Zabyne girl! What happened to hello?” biro nito sa kanya.
“Crystala, I have a favor to ask. Pwede sunduin mo ang mga bata mamaya?” diretsang sabi niya dito.
Sigurado siyang nagsalubong ang mga kilay nito dahil sa sinabi niyang iyon.
“Why? Asan ka ba?” nagtatakang tanong nito sa kanya.
“I'm on my way to the hospital. Dinala daw dun ni Kuya Anton si Marco dahil mataas ang lagnat.”
“Ah okay. Saan ko naman sila ihahatid? Walang makaksama ang mga yun sa condo...”
BINABASA MO ANG
Destined To Be With
RomanceSi Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang ito. Hindi maganda ang una nilang pagkikita ganun din ang kanilang pahihiwalay... What will happen w...