eto na po ung ksunod n upd8..tnmad aq gmwa nun thursday..nwili sa pgbabasa ehh..cnxa n po..
reminder:flashback na po ito nung nangyari sa past ni marco para mlman nyo n qng cnu b yang elle n yan n tnwag nya un name after n my mngyri sa knla ni allorah...yah..the same elle n nkbanggaan nya s my cr...
====================
who is she in his life?
MABILIS na tumatakbo sa Marco papasok ng gate ng university na pinapasukan niya. Malayo pa ang tatakbuhin niya para makarating sa high school department kung saan siya nag-aaral. Two minutes na lang at late a siya.
He is in his senior year in high school at isa siya sa mga top five students.
Nahihiya kasi siya sa adviser niya. Mula ng magpasukan uli pagkatapos ng bagong taon last week ay lagi siyang nale-late.
Ewan ba naman niya. Totoo nga ata yung kasabihan na pag sumapit daw yung media noche tapos tulog ka e isang taong kang halos puro pagtulog ang inaatupag.
Pero maniwala naman dum sa kasabihang yun. Nagkataon lang siguro na lagi siya talagang inaantok. Lagi din kasi siyang puyat. Valid naman ang reason niya kung bakit siya nagpupuyat. Nag-aaral siyang mabuti tuwing gabi.
Nahihiya naman kasi siya sa Mommy Marcia niya. Para siyang tunay na anak kung ituring nito at ang pag-aaral ng mabuti ang maisusukli niya sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya.
Pagmamahal na inasam niyang maibigay sana sa kanya ng kanyang tunay na ina ngunit ni hindi naman niya ito nakikila. Her biological mother definitely sold him to his father.
While on the other hand, he can't feel his importance from his father. He is doing everything to impress the great Don Anastacio De Luces, but just like what his brother told him everytime, hindi lang daw talaga masyadong showy sa emotion ang daddy nila dahil maging dito ay ganoon din ang pakikitungo nito.
Sweet lang ito ay sa asawa.
Back to what he is doing, he is hurriedly running. Malapit na siya sa high school department. Aakyat pa siya sa third floor dahilandun ang room niya.
Kung bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng araw ay noon pa nasiraan ang kotse nila kaya nagcommute siya at sa kamalasan naipit ng traffic ang sinakyan niyang taxi.
Tatakbo na sana siya paakyan sa hagdan ng biglang----
Booggggssshhhhhhh!!!!!
May bumangga sa kanya at natumba sa kanya. Nasa ibabaw niya ang nakabangga niya.
Inalalayan niya itong makaalis mula sa pagkakadagan sa kanya upang makatayo siya.
"Sorry ha? Hindi na kita napansin. I'm in a hurry. Late na ata ako..." hinging paumanhin niya sa babae.
Pilit ang ngiti na tumungin ito sa kanya. Tila nahihiya pa nga ito.
"Naku, Kuya. Pasensya na din. Dali-dali din kasi ako. Kelangan kong bumili ng papel..." pagso-sorry din nito.
Sa may kalapit ng building nila ay may isang school supply store.
Maganda ang babae. Para tuloy bigla niyang nalimutan ang oras, na kailangan niyang magmadali.
"A-ah...s-sige ah? Kelangan ko na talagang makabili ng papel!" tila naiilang na sabi nito at tatakbo ng iniwan siya. Matagal pala siyang nakatitig lang dito.
Habol ang tingin na naiwan lang siyang nakatayo.
Ng maalala niya maya-maya na late na siya, muli siyang tumakbo paakyat sa third floor.
BINABASA MO ANG
Destined To Be With
RomanceSi Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang ito. Hindi maganda ang una nilang pagkikita ganun din ang kanilang pahihiwalay... What will happen w...