Oh No...It's Really Him..
HINDI alam ni Allorah kung ang dahilan pa ng panginginig niya ay ang pagkabasa niya sa ulan o dahil sa shock sa pagkakakita niya kay Marco. Sa dinami dami ng lugar kung saan nya pwedeng makita ang binata ay doon pa mismo sa sarili nilang pamamahay.
Nakaramdam siya ng takot. Anytime ay maari ng mabunyag ang totoo-na ito ang ama ng kanyang mga anak. Siguradong magagalit ang daddy nya samantalang hindi naman niya alam kung ano ang dapat i-expect na reaksyon mula kay Marco. Siguradong magugulat din ang mga pinsan niyang sina Aurelle at Crystal. Walang alam ang mga ito sa mga pangyayari.
Para siyang bacteria noon kung iwasan ni Marco. Alam niya hindi siya ang ideal girl nito. Masyado kasi siyang bulgar at wala talaga siyang pakialam noon basta ipinangangalandakan niya sa madla na gusto niya si Marco.
Naligo siya at nagbihis. Hindi malayo na magkatotoo ang sinabi ni Manang Saling na baka magkasakit siya. Simula ng manganak siya ay tila humina na ang resistensya niya.
Narinig niyang nag-ring ang kanyang cellphone. Dahil nanginginig pa din siya pagkatapos maligo ay hindi agad niya iyon nasagot. Nakita niyang madami na palang miscalls sa kanya si Sandy. Marahil ay kanina pa siya nito kinokontak, kaso nga ay hindi naman siya nagdadala ng cellphone kapag napunta siya sa manggahan.
Sa halip na intayin na tumawag muli ang kaibigan ay siya na ang tumawag dito. Unang ring pa lamang ay sinagot na agad ang tawag.
"Hello Mommy! We've been calling you for almost three hours na. How come you're not answering our calls?" tila matandang sermon sa kanya ng sumagot. Si Alexea. Kahit mabait ito ay may pagkamaldita at ppagkamasungit din ito. Mana sa pinagmanahan.
"I'm sorry sweetie. Tumulong si Mommy paghaharvest ng mga mangga. How are you and Kuya?" nangingiting tanong niya.
"I miss you, Mom," sabi naman ni Joaqui. Siguradong naka-loudspeaker ang cellphone. Hindi din niya napigilang maluha.
Nami-miss na din niya ang mga anak. Iyon ang unang beses na mawalay sa kanya ang mga anak ng matagal ngunit mabuti na din iyon. Kung andito kasi ang mga ito ay baka mabunyag agad ng totoo kahit na wala namang hawig ag mga ito sa ama.
"Miss ko na din kayo..."
"Mommy, are you going to follow us here when you're done harvesting?" maarteng tanong ni Alexea.
"I don't know sweetie but i'll try, ok? Basta pakabait lang kayo dyan ni Kuya. Where is Ninang Sandy?"
"I'm here Allorah Zabyne!!!" sigaw ni Sandy. Nakikinig lang pala ito sa usapan nilang mag-iina.
"Hello friend. Paki-alis ng pagkaka-loudspeaker at palayuin mo muna aang kambal jan sa tabi mo," sabi niya.
"Ok na," sabi agad ni Sandy.
"Please take good care of my angels. I have to hang up na." Narinig niyang humalakhak si Sandy.
"Pinalayo mo lang yung kambal para dun? Hahaha...!"
"Iniintay ako ni Daddy. Malamang naasesermunan ako ng bonggang bongga. Inabot ako ng ulan sa manggahan."
"Hahaha. Goodluck Allorah! Talagang award ang aabutin mo ay Tito."
"I'll call again later. Bye!"
Pagkatapos niyang tapusin ang tawag ay hindi niya malaman ang gagawin. Bababa a ba siya o matulog na lang kaya siya? Ayaw niyang makaharap si Marco.
Pero wait! Si Marco nga ba 'yon? Baka naman nag-hahallucinate lang siya dahil nakita niya si Anton?
May kumatok sa pinto.
"Allorah, pinapababa ka ng Daddy mo. Kumain ka daw ng sopas." Si Manang Saling. Wala siyanng ligtas. Kelangan na niyang bumaba.
Naabutan pa niya ang lima sa dining area. Tapos na ata ng mga ito na kumain pero abala pa sa pagku-kwentuhan.
Sinalubong siya ng mga pinsan. Niyakap siya ng mga ito at nagbeso pa sa kanya.
"Basa ka kanina, dapat kanina pa ito..." biro ni Ate Au.
"Na-miss kita, Zabyne girl!" sabi naman ni Crystal.
Tumayo din naman si Anton. Nagbeso siya dito.
"How are you, Allorah? It's been a long time..." nakangiting sabi nito.
Nang tumingin siya kay Marco ay nahuli niya itong nakatingin sa kanila pero agad din itong umiwas.
"Yeah, it's been a long time, Kuya Anton, pero suplado pa din ang kapatid mo. I bet wala pa ding girlfriend yan. Hindi na ako magtataka na tumandaa siyang binata..." biro niya na ikinatawa ng mga ito maliban kay Marco.
"Mamaya na kayo magkumustahan. Kumain ka na muna Allorah," biglang seryososong sabi ng Daddy niya.
Naku lagot na. Sesermunan pa nga pala niya ako mamaya.
"Nakow, ewan ko ba naman dine saa batang ireh. Sinasabi na nga naa huwag abusuhin ang katawan. Alam mo ga noong wala ka ay laging nagpupuyat sa trabaho iyang anak mo. Ngali-ngali ko na ngang paluin!" sabat ni Manang Saling. Palibhasa ay ito ang nag-alaga noon sa Daddy niya nnoong bata pa ito.
"Dapat pinalo nyo, Manang. Tanda na wala pa ring tinandaan. Tapos kung makasermon din naman sa mga--"
"Dad, tama bang sermunan ako habang kumakain? Kadarating mo pa lang sermon na agad? Wala ka bang ba na kumustahin muna ako?" putol niya sa kung anu pa man ang maaaring masabi ng ama. Baka madulas ito. Mamaya ay sasabihin niya dito na huwag mabanggit ang tungkol sa mga bata.
"Haha...Lagot a pala kay Tito Dante, Zabyne girl!" nagtatawanng sabi ni Crystal.
"Oo nga eh. Kaya wag kang hihiwalay sakin para maligtas ako sa sermon nya," biro naman.niya.
"Just like the old Zabyne. I qoute, still the brat Zabyne," nagtatawa namang biro ni Anton.
Brat Zabyne. Whoah! It brought back all the old memories. That's how Marco called her.
Tumingin siya sa gawi ni Marco. Hindi ito nakatingin sa kanya.
"Of course not, Kuya Anton. I already matured enough. I'm not that 'brat Zabyne' anymore," diniinan talaga niya ang pagkakasabi ng brat Zabyne. "I'm already twenty-five and--"
"Still single and available?" birong dugtong ni Crystal.
Hinuhuli nito kung ano ang estado ng lovelife niya!
"Single but not available. I'm not searching, Crystal. Taken na 'ko, 'diba Dad?" kinindatan pa niya ang ama.
"Yeah, at makakarating ito kay Alex," ang tinutukoy nito ay si Alexea. Magkasundo ang maglolo pagdating sa panenermon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Destined To Be With
RomanceSi Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang ito. Hindi maganda ang una nilang pagkikita ganun din ang kanilang pahihiwalay... What will happen w...