Pagpasensyahan nap o medyo natagalan ang aking sunod na update...wala lang..Feel q lang d muna mag-update kasi tinatamad pa ko hahaha…eh pinagpahinga ko muna si utak ko, dumugo dahil dun sa sobranf hot dun sa last update k ohahahah
Nag pala, may plot na ako ng new story ko, nakapost na sya, IN YOUR ARMS yung title, click nyo yung external link o kaya tingnan nyo dun sa my works, plot pa lang naman sya, tatapusin ko muna itong story na to bago ko yun itulo. Ayoko kasi magkasabay gawin ito saka yun. Baka mailto ako hahaha. Saka la pa akong name ng mga characters nun, plot pa lang..
Yun lang…
============================
SNOB
One week. One week na silang hindi nag-uusap. Naiilang siya sa asawa nya kaya hindi siya umiimik dito and at the same time ay naiinis din siya dito. Pagkatapos ba naman ng may mangyari sa kanila eh parang wala lang yun sa magaling niyang asawa. Naalala niya ang nangyari noong magising siya ng umagang iyon…
“Hmmm… Ano kaya ang lulutuin kong breakfast?” tanong niya sa sarili habang tinitingnan ang laman ng kanilang ref.
Kumuha na lang siya ng itlog at bacon. Sunny-side-up na lang ang gagawin niyang luto sa itlog. Tapos isasangag niya ang natira nilang kanin kagabi. Si Marco kasi hindi na nga nakakain kasi—
Hay wag na isipin! Namumula lang siya. She can’t imagine na mangyayari yun kagabi eh.
Hindi niya napigilan ang mapangiti habang inaalala ang mga pangyayari kagabi. That was extremely awesome!!!
Nakangiti pa siya habang nagluluto. Iniisip din niya kung paano niya ito papakiharapan. Hindi maaaring humarap siya dito na kuntodo ang ngiti. Baka iba ang isipin nito.
Eksaktong natatapos siyang magluto ng marinig niyang bumukas ang silid nila. Narinig niya ang nagmamadaling yabag ni Marco. Tiningnan niya ang suot niyang relo. Past seven na. Maaga pa kung tutuusin lalo na at wala naman ang mga bata, hindi na maa-out of way ito. Makakdiretso na ito sa opisina.
Sumilip ito sa kusina. Bago pa siya makapagsalita ay nakaimik na agad ito.
“I have to go. Madami pa akong kailangang asikasuhin sa opisina,” anito na hindi man lang tumingin sa kanya.
“H-hindi ka pa kumakain ng breakfast…” mahinang sabi niya pero alam niyang narinig nito ang kanyang sinabi.
“Sa opisina na ako kakain. Sige, alis na ako,” anito at saka dire-diretso nang lumabas ng condo. He even forgot to give her a goodbye kiss!
Inis na inis siya pagkatapos noon. Para bang hindi nito naalala ang nangyari sa kanila. Hindi naman siya nag-a-assume na may nararamdaman ito sa kanya. Ang sa kanya lang naman kasi, tama bang isnabin siya nito at parang siya pa ang may kasalanan dito para kwestyunin ang pananahimik niya.
Pagkatapos ng gabing iyon ay dalawang gabi pa ang nakalipas na silang dalawa lang ang nasa condo. Talong gabi na wala sa kanila ang mga bata. Kahit sina Alexea at Joaqui ay napansin ang hindi niya pag-imik sa ama ng mga ito.
“Mommy, nag-away ba kayo ni Daddy?” tanong ni Joaqui sa kanya minsan habang magkakatabi ang mag-aama na nanonood ng TV.
“H-ha? Hindi naman. Bakit mo naman naisip yun?” tanong niya sa anak na hindi man lang ito nilingon. Itinuon lang niya ang mga mata sa pinapanood.
“Eh kasi, hindi kayo nagkikibuan ni Daddy…” sabi pa nito.
Hindi na siya umimik. Pasalamat na lang siya at hindi na rin nagsalita si Joaqui. Si Alexea naman ay hindi rin nagtanong. Engrossed na engrossed ito sa pinapanood nito.
BINABASA MO ANG
Destined To Be With
RomanceSi Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang ito. Hindi maganda ang una nilang pagkikita ganun din ang kanilang pahihiwalay... What will happen w...