at last!!!

6.7K 85 0
                                    

at last!!!

ITO NA ang araw na pinakahihintay ni Allorah. Kasi, sa wakas ay aalis na mamaya si Marco.

Makakakilos na siya ng maayos kapag nakaalis ito at hindi tulad ng nandito ang binata na parang may pinagtataguan siyang krimen.

Nagpatanghali siya ng bangon ngayon. Kahit pa nga masakit na ang ulo niya ay ayaw parin sana niyang bumangon kaso someone knocked on her door.

"Sino yan?!" patamad pa niyang tanong.

"Couz! Tanghali na di ka pa bumabangon. Aalis na kami maya-maya!" sigaw ni Crystal sa labas ng pinto.

Wala na siyang nagawa. Napipilitaan siyang bumangon at pinagbuksan ng pinto ang pinsan.

"Kung makasigaw, wagas?" sabi agad niya ng mapagbuksan ito ng pinto.

Nakasimangot na pumasok ito sa kwarto niya. Diretso sa kama at doon umupo.

"Nakakatampo ka, alam mo ba yun?"

Naakakunot noo na muli siyang bumalik sa kanyang kama at umupo din, nakaharap sa pinsan.

"Why?"

"Oy! One week kaya kami dito tapos halos di kita makita. Super ka makapag-busy-busy-han dyan!"

"Eh busy naman talaga ako lagi e..." pagdadahilan niya.

"Hmp! Tapos andito ka lang pala di mo man lang na-inform kahit sa akin. Para namang hindi tayo close. Ang alam ko lang hindi ka na bumalik sa France at nawawala kaa. Yun pala, ddito ka pumunta kay Tito."

"Alam mo, Couz. Kaya nga di ko sinabi sa'yo kasi medyo alam ko na sasabihin mo sa FAVORITE AUNTIE mo kung asan ako. What is the essence of my pagtatago sa kanya kung itsi-tsismis ko sa iyo na andito lang ako sa Batangas? Panigurado sasabihin mo na agad yun once na makaluwas ka sa Manila."

"Ah ganun? Wala k talagang tiwala sa akin noh?"

Nagkibit-balikat siya.

"Hmp! Don't worry, kung ayaw mo talagang ipaalam kay Auntie, hindi namin sasabihin sa kanya," nakabusangot pa din na sabi nito.

Masayang niyakap niya ang pinsan.

"Thank you very big, couz!!!" masayng sabi niya.

"Hay naku, Zabyne girl. As if naman may magagawa ako. Isang sabi mo lang sa akin, oo na agad ako kahit na di masyadong bukal sa loob ko. Ganun ka kalakas sakin eh."

"Bruha ka Crystal! 'Wag mo akong dramahan at baka umiyak ako!" saway niya agad dito.

Sabay silang tumawa ng malakas.

Maya-maya ay muli iting nagseryoso at matiim na tumitig sa kanya.

"Bakit nga ba hindi ka na bumalik sa France, Zabyne girl?"

Humalakhak siya dahil sa itinawag nito sa kanya.

"Kung maka- Zabyne girl ka ah... Parang teenager lang?"

Umingos ito.

"Okay. Anu kasi... There are some things that are better to ve untold na lang muna. In the near future, you may know it but now is not the right time..." nagkakamot sa batok na sabi niya. Medyo nakangiwi pa siya.

Hindi pa siya handa na sabihin kahit kanino ang nangyari. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng pinsan. At lalong hindi siya nakasisigurado na hindi malalaman ni Marco iyon oras na sabihin niya kay Crystal ang tungkol sa nangyari sa kanya.

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ni Marco. Malamang sa hindi na itatanggi iyon ng binata. Ngunit magkaganoon man, natatakot siya dito lalo na kung akuin nito ang pagiging ama sa kanilang anak.

Destined To Be WithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon