THE REVELATION
MAAGANG nagising si Marco kinabukasan kahit maghahatinggabi na ata sila natulog ng nakaraang gabi. Nag-aya si Tito Dante na magkwentuhan muna sila pagkatapos nilang maghapunan kagabi na pinaunlakan naman ng daddy niya. Ng makatapos naman sila ay hindi din agad siya nakatulog dahil patuloy na umuukilkil sa kanyang balintataw ang katotohanan na mayroon na palang anak si Zabyne—at kambal pa ang mga ito.
Hindi muna siya lumabas ng silid. Nakaupo lang siya sa kama.
‘Sino kaya ang nakabuntis sa kanya? Napakawalang-kwentang lalaki naman niya na pagkatapos magpakasarap ay basta na lamang iwanan si Zabyne. Siguro naman kah9it may pagka-liberated siya, hindi naman ibig sabihin nun ay pwede na siyang basta na lang takbuhan ng isang lalaki lalo na at nabuntis pa si Zabyne.”
Napailing siya. Bakit nga ba ginugulo pa noon ang isip niya. Wala naman siyang pakialam sa dalaga noon pa man kahit hayagan ang pagsasabi nito noon na gusto siya nito.
Pero maswerte si Zabyne sa mga anak nito. Nakikita niya na kahit bata pa ang kambal ay matatalino ang mga ito. They are the kind of kids that a parent could be proud of.
‘Malas lang ng ama nila at hindi sila kinilala. Kung ako ang naging—no! What am I thinking?’
Lihim na natatawa siya sa kanyang sarili. Never nga niyang na-imagine na mag-aasawa siya, syempre mag-aasawa siya ngayon dahil sa kagustuhan ng daddy niya, at lalo naming hindi niya Makita ang sarili niya bilang isang ama pero bakit ngayon parang nakakaramdam ata siya ng pagkahili kay Zabyne sa pagkakaroon nito ng mga anak.
Nakakatuwa ang anak nito na si Joaqui. Ang ugali na nakikita niya dito ay ang nakita niyang ugali ni Zabyne noong una niya itong makilala. Masyado itong madaldal, makulit at pakialamero. Pero kahit ganoon ay naiintindihan niya ang bata dahil natural na sa isang bata ang ganoong ugali.
Ang kakambal naman ni Joaquin na si Lexea ay kabaliktaran ng kapatid. Ang ugali ni Lexea ay eksaktong ugali naman na nakikita niya ngayon kay Zabyne. Seryoso ito, suplada, pikunin, at may pagkamailap. Kahit kausapin mo ay hindi basta-basta sasagot at tipong lalong hindi ka kakausapin kapg lalo mong kinulit.
Naalala niya kagabi. Iniinis siyang mabuti ni Anton. Alam nitong hindi siya nagdadal ng gamut sa allergy niya kaya kahit gustuhin niya kagabi ay hindi siya makatikim man lang ng kaldereta na nakalagay pa naman sa mismong harapan niya. Tila nananadya pa na napatingin siya sa dako ni Lexea na tila feel na feel pa ang pagkain ng kaldereta. Salamat sa kadaldalan ni Joaqui at sinabi agad nito na wala daw lahok na peanut butter ang kaldereta na mismong si Zabyne pala ang nagluto. Iisipin na sana niya na hindi pa rin nito nalilimutan na may allergy siya doon kung hindi pa nagsalita si Lexea na may allergy—wait!
‘How come na may mga similarities ata kami ni Lexea? But no! Wala naming nangyari sa amin!’
Umiling-iling pa siya. Malabo naman talagang mangyari yun. Never nga niya itong hinalikan kaya paanong magkakaroon ng possibility na maging siya ang ama ng mga anak nito.
“Aish! Makaligo na nga lang! Kung anu-ano pa ang pumapasok sa utak ko. Ang kapatid niya ang minahal ko noon at si Elle—ah Candice—ah whatever! Ang kapatid ni Zabyne ang kailangan ko para ma-promote ako!” maktol niya at saka dire-diretsong nagtungo sa banyo upang maligo na.
NASA SALA sila pagkatapos nilang mag-agahan. Kinulit kanina ni Candice na ipasyal sila ni Tito Dante sa taniman. Hinihintay lamang nila si Tito Dante na may kinuha sandali sa loob ng library.
Ng mapatingin siya sa may hagdan ay nakita niyang pababa mula doon ang nakabusangot na si Lexea. Halatang kagigising pa lamang nito pero mukhang sira na agad ang araw ng bata. Simula ng dumating sila kahapon ay hindi pa niya ito nakikitang ngumiti.
BINABASA MO ANG
Destined To Be With
RomanceSi Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang ito. Hindi maganda ang una nilang pagkikita ganun din ang kanilang pahihiwalay... What will happen w...