Stress...
MADILIM na sa buong bahay. Sa palagay ni Marco ay tulog na ang lahat. Halos isang linggo na rin siyang laging umuuwi ng alanganing oras. Nagsimula iyon ng magkausap sila ng kanyang ama kaya minabuti naalang niyang mag-overtime palagi at pagirin ang sarilisa trabaho para makatulog na agad siya pagdating sa bahay. Kung hindi niya iyon gagawin ay sasakit lamang ang kyang ulo.
Imbes na dumiretso sa kanyang sariling silid ay dumaan muna siya sa kanilang mini bar. Kakailanganin niya ngayon ang ilang shot ng alak upang makatulog siya dahil palagay niya ay mailap ang antok para sa kanya ngayong gabi. Hindi na siya nag-abala pa na mag-buhay ng ilaw dahil may liwanag naman doon mula sa isang night lamp.
Nakakailang lagok pa lamang siya ng alak ng may tumapik sa kanyang balikat na bahagya niyag ikinagulat. Nalingunan niya ang kanyang Kuya Anton. Mabuti na lamang pala at hind niya ito nasuntok ng magulat siya kanina.
"Bakit nagsosolo ka dito? Hindi man lang nag-aya, gusto mo palang uminom," wika nito at nagsallin din ng alak.
"Bakit gising ka pa? Baka bigla kang hanapin ng asawa mo..." sabi niya. Kakakasal pa lamang nito noong nakaraang taon sa long-time girlfriend nito na si Au at ngayon nga ay pasyahan na naglilihi ang hipag niya.
Marahan itong tumawa at nakangiting tumingin sa kanya.
Tulad ng ina nito ay mabait din ito sa kanya. Kahit minsan ay hindi nito ipinadama sa kanya naanak siya sa ibang babae ng kanilang ama. Tatlong taon ang tanda nito sa kanya at masasabi naman niya na isa itong mabiting kuya.
"Actually mas nauna siyang nagising nung marinig na dumating ang sasakyan mo at alam din niyang lumabas ako."
Nagkibit-balikat siya at ipinagpatuloy ang ag-inom ng alak.
"What's the problem, Marco? Hindi ka naman ganyan. Napansin ko na mag-iisang linggo ka ng bothered..."
"Blame it to our Dad, Kuya," Nagtatakang tiningnan siya nito. "He won't give me the Vice Predential position unless may ipapakilala kong asawa sa kanya before I tun thirty! Can you imagine that? He wants me to settle down in less than four months!"
"That's absurd!" natatawang sabi ni Anton.
"Exactly my point! How can I find someone to marry in that short span of time?"
"As if I don't know you, Marco.Hindi iyon ang inirereklamo mo. You can find a woman within four months. Ang problema sa iyo ay hindi ka willing i-commit ang sarili mo sa isang seryosong relasyon. You never believe in love."
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Tama ang kapatid niya.
"We're planning to go on a vacation. Baka gusto mong sumama para makapag-isip ka. Tama din namn kassi si Dad. You're not getting any younger, Bro."
"Bakasyon? Himala at naisipann mo na magbakasyon! Ang alam ko hindi iyon kasali sa vocabularies mo eh..." biro niya dito.
"Oo nga eh. Pero nagsabi kasi ang Ate Au mo. Pinagbigyan ko na. Isa pa, makakabuti iyon lalo na ngayon at naglilihi siya."
"Tapos inaaya mo ako sa bakasyon ninyong mag-asawa?"
"Well ang totoo niyan ay kasama namin ang kapatid niya," anito naang tinutukoy ay ang nag-iisang kapatid ng asawa na si Crystal.
"Saan naman?"
"Somewhere in Batangas. May farm pala ang Tito nila dun and luckilyay nasa Subic siya ngayon to attend a seminar atsa isang araw and balik sa Batangas so sasabay na kami pagpunta do'n. We'll be staying there for a week." Tumayo ito at muli siyang tinapik sa balikat. "Just tell me tomorrow if you want to come with us..." At iniwan na siya nito.
A week vacation in a farm in Batangas is not bad. Mas makakapag-isip nga siguro siya kung ano ang tamang gawin. He can cancel his appointments or he can ask his assistant to attend it for him, soo why not?
"Bro," tawag niya sa kapatid bago pa ito tuluyang makaakyat sa hagdan. "Count me in."
Nakangiti naman itong tumango.
==============================
mejo maiksi ata...cnxa nmn po..la na ko maisip ilagay hehe...
BINABASA MO ANG
Destined To Be With
Storie d'amoreSi Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang ito. Hindi maganda ang una nilang pagkikita ganun din ang kanilang pahihiwalay... What will happen w...