what about her...

11.5K 116 3
                                    

What About Her

"SANDY, i'm sorry. Masyadong madaming trabaho dito sa farm. Hindi ako maaaring umalis," hinging paumanhin ni Allorah sa kaibigan.

Nakapangako siya dito na sasama siya sa two-week vacation nito sa Cebu, ang hometown nito. Pero hindi siya maaaring umalis sa farm nila sa Batangas. Mabuti sana kung nandoon ang daddy niya ang kaso ay naimbitahan itong dumalo sa isang seminar sa Subic at isang linggo itong manatili doon.

"What?! Allorah naman! We've been planning this for so many months na tapos ngayon bigla mo na lang sasabihin na hindi ka makakasama. Naka-book na ang flight natin!" eksaheradang sabi ni Sandy sa kabilang linya. Kaibigan niya ito for more than a decade now. Naging kaklase niya ito at the same time ay kapitbahay noong nasa France siya.

Nang maghiwalay ang mga magulang niya noong wala pa siyang sampung taon pa lng siya ay sapilitan siyang isinama ng kayang mommy sa France. Kung tutuusin ay ayaw niyang sumama dito. She wanted to stay at her dad's guidance. Daddy's girl siya at ang ate niyang si Candice ay pet naman ng kanyang ina. Halos hindi na nga siya pinapansin ng kanyang mommy at kung pansinin man siya nito ay puro ang mga pagkakamali na lamang niya ng nakikita. Ang magpaliwanag ay hindi na niya magawa dahil bago pa man niya maipagtanggol ng kanyang sarili ay nagsisimula na ang mahaba nitong sermon.

Nang magsawa siyang maghintay kung kailang maa-appreciate ng mommy niya ang kanyang existence sa buhay nito ay nagsimula na siyangg magrebelde. Puro pasang-awa ang grades niya sa school. At the age of twelve ay natuto na siyang mag-inom at manigarilyo. Sabi nga ng mommy niya ay daig pa niya ang pakawala. She always go home very late. She became the prodigal daugther while her sister is a good one.

After ng graduation nila ng high school ay umuwi na si Sandy sa Pilipinas. Doon na ito pinag-aral ng college samantalang nakapag-enroll pa siya ng isang taon sa Accountancy bago nakumbinsi ina na payagan siyang makapagbakasyon sa Pilipinas. Sa poder ng pinsan niyang si Aurelle siya ipinagkatiwala ng kanyang ina at pagtapos nga ng mahigit isang buwan niyang bakasyon ay hindi na siya bumalik sa France. Ayaw na niyg bumalik sa poder ng kanyang inang si Anita. Bibigyan lamang niya ito ng dahilan upang mas maipamukha sa kanya kung gaano siya kasuwail na anak para dito.

"Hindi ko talaga pwedeng iwan ang farm, Sandy. Baka mamaya niyan, nakapag-bakasyon nga tayo wala naman kming makain. Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga tauhan namin, pero alam mo nman na ako lang ng inaasahan ni daddy lalo na kapag ganitong panahon. Madaming iha-harvest..."

"And how are you going to explain this to your kids? Ano sa palagay mo ang magiging reaction nila?"

"C'mon Sandy. Ako lang naman ang hindi makakasama. Matutuloy naman kayo kahit wala ako eh. Nagkataon ng talaga na hindi ako pwedeng umalis dito sa farm ngayon," paliwanag niya sa kaibigan.

"Wrong timing naman kasi ang seminar ng daddy mo. Sa dinami-dami ba naman ng araw bakit ngayon pa nakisabay!" tila batang pagmamaktol nito. "'Pano ngayon 'yan?"

"Eh di kayo na nga lang. Hindi mo naman siguro pababayaan ang mga anak ko, 'di ba?" tanong niya sa kaibigan. "Isa pa, kasama naman si Ate Sonia." Ang tinutukoy niya ay ang dlagang nag-aalaga sa kanyang mga anak. Anak ito ng naging yaya niya noong bata pa siya.

"Whatever, Allorah Zabyne. Ipagpatuloy mo ang pagpapayaman mo. I have to hang up na. I'll just meet the twins and Ate Sonia tomorrow morning, okay?" pagpapaalam nito bago nawala sa kabilang linya.

Tiningnan niya ang mga nkatambak na papeles sa ibabaw ng working table doon. Nasa loob siya ng library sa kanilang bahay na at the same time ay nagsisilbi na rin na opina nilang mag-ama. She has so many things to do. Ang tingnan ang mga papeles na aayusin niya ay nagbibigay na sa kanya ng nakahahapong pakiramdam. Napabaling siya sa may kaliwa niya kung saan may isang maliit na cabinet at sa ibabaw niyo ay nakapatong ang isang picture frame. Naroon ang larawan nila ng daddy niya kasama anf kanyang mga anak. Just thinking of those two angels makes her day complete and more inspiring.

Yes, she is already a mother to the seven year-old twins namely Joaqui Alonso and Joaquelle Alexea. Hindi naman masasabing accidentally siyang nabuntis noong seventeen pa lamang siya dahil ginusto naman niya ang nangyari.

Never in her wildest dream niyang in-expect na mangyayari sa kanya ang lahat ng ito. From being a rebellious teenager, she became a mature woman and a reaponsible single parent.

When she came back to the country after eight years of living in France with her mom and sister, she felt free. Babalik na nga sana siya sa France noon, naka-schedule na nga ang flight niya, ngunit nalaman niyang buntis na pala siya. Tumawag na lamang siya sa ina at sinabing hindi na siya babalik sa poder nito at sa halip naman na bumalik siya sa poder ng ama ay sa kaibigan niyang si Sandy siya lumapit. Mabuti na lang ata mabait ang ina nito na isa ding single-parent at naunawaan siya nito. Napakiusapan din niya na huwag sabihin sa mommy niya at kapatid ang kanyang kinaroroonan sakali man na magtanong ang mga ito. Ginamit niya ang pera sa ATM na ibinigay sa kanya ng daddy niya ng maghiwalay ang mga magulag noon.

Akala niya ay makakaya niya ng mag-isa pero muntik na siyang mamatay ng manganak siya sa kambal na pinilit niyang ilabas via normal delivery. Hindi naman kasi niya alam na dalawa ang sanggol na dinadala niya. Hindi ito nakita ng OB-GYNE niya ng magpaultrasound siya. Marahil ay natabingan daw ng isang bata ang kaambal nito. Ang nangyari ay halos dalawang araw siyang comatose kaya napilitan si Sandy na kontakin ag daddy niya. Kabilin-bilinan kasi niya sa kaibigan na taagan ang daddy niya kung may hindi magandang nangyari sa panganganak niya. Ang kaibigan na din ang nagkwento sa daddy niya ng mga pangyayari base ba din sa mga nai-kwento noya dito maliban na lamang sa kung sino ang ama ng kanyang mga anak.

Speaking of that man, she wanted to thank him for giving her twins. Wala naman kasi sa lahi nila ang magkaroon ng anak na kambal. Though kahit marahil magkasalubong sila nito ay hindi siya nito pag-abalahang pansinin. So what's the use of telling him that he got her pregnant and she gave birth to his kids? It's been almost eight years and as far as she knew, and he is just staying and working somewhere in Manila at kahit kailan, kahit malimit din naman na napapaluwas sa Manila ay hindi pa niya natatanaw man lang kahit ang anino nito. She is just here in Batangas, just a few kilometers away from where that man is and is closer than Cebu where she gave birth to the twins.

Bakit ba kailangan pa niyang maalala ang lalaking iyon? He never love her nor care about her even just a bit. She was hurt yhen and she don't want to be hurt even by his memory.

=============================

ikaw n ang d makaget-over..sbagay, kahit sino nman cguro d bsta bsta mkkget over lalo n kapag may "remembrence" dba?

curious (tma b spell?) b kau kung ano ang nangyari noon? well....abangan sa mga susunod n kbnata at tatalakayin din natin (ko lqng pala, ako nga pala author kya ako ang magpapaikot ng kwnto) iyon...bsta maghintay lang kayo..hehe

Destined To Be WithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon