Uy, 1K+ reads na sya…wahahaha…sinong mga nagbabasa jan?(babaw ng kaligayahan ko—palalimin natin)
Here’s the most awaited moment wahahaha….hindi ko lang alam kung mapapahaba ko ito or hindi...it depends upon my mood..sana okay lang..sabi ko papalitan ko ang name ko pero nagbago na ako ng isip, huwag nap ala kasi tinatamad aq magre-log in…hahaha…dami lang arte eh..
Dun sa nagrerequest nito—heto na!!!!
Pero reminder lang po:
This part contains scenes not suitable for young readers okay???
At least sinabi ko, walang magrereklamo
============================
hot night
KUMAIN muna sila ng dinner bago sila dumiretso sa bar. Madami lang talagang kaartehan sa katawan ang kapatid niya. Ayaw daw nitong uminom ng walang laman ang tiyan nito. Takot din naman na magkaroon ng ulcer eh.
“Wow, konti lang ang tao ah!” usal ni Anton pagpasok nila.
Eh paano ba namang hindi uunti eh Lunes pa lang naman ngayon.
“Good evening po…” nakangiting bati sa kanila ng security. Kilala na sila nito dahil doon sila lagi pumupunta noon pa kapag naisip nila na mag-bar. Tinanguan lang nila ito.
“Table ba tayo or sa bar counter na lang?” tanong ni Anton sa kanya
“Sa bar counter na lang tayo. Baka pag sa table tayo eh mapadami pa ang inom natin…” sabi niya sa kapatid at nagpatiuna na pagpunta sa counter.
Wala pang customer sa pwestong iyon. Swerte lang nila at solo nila.
“Good evening, mga sir!” nakangiting bati sa kanila ng bar tender na si Elmo.
“Good evening din, Elmo. Long time no see ah!” bati ditto ng kapatid niya.
“Kayo lang sir eh. Matagal ata kayong hindi nakapasyal dito…”
“Oo nga eh. Medyyo nagging busy lang tayo eh. Ano sa’yo, Bro?”
“Beer lang sakin. Scotch Ale nga, Elmo,” sabi niya.
“Ganun na din sa akin, Elmo. Tingnan naming kung sino ang mas matibay sa amin sa beer,” nakangisi pang sabi ni Anton sa kanya.
“Loko mo, Kuya. Wala akong balak magpakalasing. Magda-drive pa ako pauwi mamaya.”
Mabilis na kumilos si Elmo. Sandali lamang may tig-isang snifter na sa harapan nila na naglalaman ng inorder nilang alak.
Kwentuhan lang sila ng kwentuhan ni Anton ng kung ano-ano. Kapag nagagwi tungkol sa married life niya ang usapan, gumagawa siya ng paraan para agad na maiba ang topic. Hndi nga nila namalayan na nakadami na din pala sila ng inom.
Limang empty snifter na ang nasa harapan niya samantalang apat naman ang kay Anton habang inuubos nito ang isa pa.
“Naka-lima nap ala ako. Kaya naman pala medyo sumasakit na ang ulo ko eh,” sabi niya.
BINABASA MO ANG
Destined To Be With
RomanceSi Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang ito. Hindi maganda ang una nilang pagkikita ganun din ang kanilang pahihiwalay... What will happen w...