Hmmmm…
Mskit pa ang ulo ko pero I’ll try my best para sa part na ito
===========================
THE CONDITION
IT’S been more than a week mula ng lumabas siya sa ospital. Ayaw pa nga sana siyang ipa-release ng kanyang daddy pati na rin ang kanyang mga doctor pero matigas ang ulo niya. Nasusuka na siya sa amoy ng ospital. Para lang mapapayag ang mga magulang niya na pakiusapan ang mga doctor na bigyan na siya ng release papers ay pumayag na siya sa kondisyon ng mga ito na hindi niya malaman kung ano. Sasabihin na lang daw ng mga ito sa kanya next week.
Ano kaya yun?
Kung ano man yun, ayaw na muna niyang mag-isip. Malimit pa din kasing sumakit ang ulo niya kapag nag-iisip siyang masyado.
Tandang-tanda pa niya ang mga eksena noong magising siya noon sa ospital…
Ang sakit ng kanyang ulo dagdagan pa ng ingay na naririnig niya sa kanyang paligid. Parang may mga nag-iiyakan, ang lalakas pa naman ng hagulhol tapos parang may sumisigaw pa. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata pero muli iyong ipinikit ng may sumigid na mas matinding kirot sa kanyang ulo. Isa pa ay parang nasisilaw siya sa liwanag.
“Doc!” narinig niyang may sumigaw.
Maya-maya pa ay naramdaman niyang may mga lumapit sa kanya at hindi niya alam kung ano pa ang mga gingawa ng mga ito sa kanya. It seem that they were checking for something.
“Kung maaari po ay lumabas muna kayo sandali…” narinig pa niyang may nagsabi niyon.
“Pwede bang magpaiwan ako dito sa loob? I just want to make sure that she’s okay?” sabi naman ng isa pang tinig na parang pamilyar sa kanya.
“D-dad…” mahinang sabi niya na hindi niya alam kung may nakarinig ba niyon. Hindi niya maiwasang tawagin ang ama niya. Para kasing boses nito ang arinig niya.
May nagbukas ng isang mata niya at tinutukan iyon ng maliit na liwanag. Lalo siyang nasisilaw.
“S-stop that…” nahihirapang sabi niya.Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata.
“It’s okay, Miss Idelara. We’re just checking you,” mahinang sabi ng isang lalaki na hindi niya kilala kung sino. “Now, slowly open your eyes”
She did that. She open her slowly eyes again, just like what that man told her na napag-alaman niyang isa palang doctor.
“W-what happened? Why I am h-here?” naguguluhang tanong niya.
“Don’t you remember what happened to you?” tanong ng doctor.
Umiling siya.
“I don’t know what happened…” mahina niyang sabi.
Napatingin siya sa may likuran ng doctor.
“D-dad!” gulat niyang sabi.
Maluha-luha itong lumapit sa kanya.
“Are you okay? How do you feel?” tanong nito sa kanya.
“D-dad, what are you doing here? S-sinong nagsabi sa iyo—I mean, you shouldn’t be here. Magagalitan ako ni mommy!” nahihintakutan niyang sabi.
Nangunot ang noon g daddy niya sa narinig na sinabi niya.
“Bakit magagalit ang mommy mo?” nagtatakang tanong pa nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Destined To Be With
RomanceSi Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang ito. Hindi maganda ang una nilang pagkikita ganun din ang kanilang pahihiwalay... What will happen w...