I was just joking when I said that i'll post the ending on my birthday...matagal pa kya birthday ko..hahaha
Kaya eto na po..
enjoy everyone!!!!
========================
war
LINGGO ng hapon ay bumiyahe na pabalik sa Maynila ang mag-anak nina Zabyne. Naiwan pa nila sa farm ang magpinsang Sandy at Tristan ganoon din ang kapatid ni Zabyne.
Palibhasa nga ay pagod sa byahe, nakatulog na agad ang dalawang bata pagkadating nila sa bahay. Hindi sumabay sa kanila pagluwas ang magpinsang Tristan at Sandy. Mag-eextend pa daw ang mga ito ng kung ilang araw na bakasyon sa farm.
Samantala, ang magaling niyang asawa, talagang hindi na siya pinansin. Habang nagba-byahe sila ay abal ito sa pakikipag-usap sa cellphone nito na sa palagay nniya ay ang maladi nitong secretary ang kausap.
Mukhang may kailangan ayusin si Marco na trabaho sa opisina pero hindi niya malaman kung ganoon ba iyon kaimportante talaga dahil pagkadating nila ay ibinaba lamang nito ang mga bagahe nila, naligo ito at ang tanging sinabi sa kanya ay pupunta na ito sa opisina.
Magdamag siyang hindi masyadong makatulog dahil iniisip nila kung ano ang problema nilang mag-asawa. Sa pagkakatanda niya ay ito pa nga ang may atraso sa kanya dahil hindi ito umuwi agad noong Byernes. Pagkatapos ito pa ngayon ang may ganang tumikis sa kanya at magbigay ng cold treatment.
Umaga. Nagising ang magkapatid at hinahanap ng mga ito ang ama. Sinabi na lamang niya na maagang umalis si Marco. Siya ang naghatid sa kambal sa school. Nagtaxi na lang silang mag-iina. Ayaw din naman niyang mag-drive kahit na kating-kati ang kamay niyang humawak ng manibela.
Umuwi din naman agad siya ng maihatid ang dalawa. As usual, imis ng bahay, laba ng mga labahan, at kung ano-ano pang kailang gawin ng isang full-pledged housewife.
Alas-diyes ng umaga na pero wala pa ring bakas ni Marco sa kanilang bahay.
'Wala ba talagang balak umuwi ang lalaking yun? Wala baa siyang balak man lang magbihis? Aba kagabi pa niya suot ang damit niya. Hindi na nakakapagtaka na baka mamaya eh tumayo ng mag-isa ang damit niya!' maktol ng isip niya.
Hindi man sinasadya, biglang nag-pop-up sa imagination niya ang nakita niyang tagpo noon sa pagitan ni Marco at ng malandi nitong sekretarya.
Kulang na lang umusok ang ilong niya sa galit. Hindi malayong mangyari iyon. Kagabi pa pumunta sa opisina si Marco. Bakit nga ba hindi niya naisip iyon. Hindi na nga ba talaga makapaghintay ng Lunes si Marco? Ni hindi na ito nakapahinga kagabi bago umalis. O ang mas tamang sabihin, totoo nga kayang sa opisina ito pumunta? Baka mamaya niyan, ay na kandunga pala ito ng Yunes na iyon.
Hindi siya papayag! Maghahalo ang balat sa tinalupan bago pa maagaw sa kanya ang asawa niya. Siya ang legal at gagawin niya ang lahat huwag lang maagaw ito ng iba!
Wala na siyang inisip pang iba, nagpasya siyang gumayak at magtungo sa opisina ng asawa. Kahit na anong mangyari, hindi na siya magpapatalo sa babaitang sekretarya ni Marco.
Dumaan muna siya sa restaurant at nagtake-out ng pagkain bago dumiretso sa opisina ni Marco. Hindi na kasi siya nag-abala pang magluto.
Wala ang secretary ni Marco sa table nito ng dumating siya kaya naman umahon ang magkahalong kaba, sakit at galit sa kanyang puso. Pero mukhang mali naman yata na mag-isip agad siya ng masama.
'No, I have to learn how to trust my husband since I love him. I should trust him with all of my heart...'
Lumapit siya sa pinto ng opisina ng asawa. Kakatok sana siya pero nagbago ang isip niya. Sa halip ay diretsong binuksan na lamang niya iyo.
BINABASA MO ANG
Destined To Be With
Lãng mạnSi Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang ito. Hindi maganda ang una nilang pagkikita ganun din ang kanilang pahihiwalay... What will happen w...