he doesn't know
MAAGANG gumising si Allorah. Wala naman ang mga bata kaya ipinasya niyang mamasyal sa taniman.
Naligo siya at gumayak saka dumiretso sa kwadra.
Medyo madilim pa pero kabisado naman niya ang daan.
Pinatakbo niya ang kabayo patungo sa manggahan.
Wala pa sigurong tao doon. Pinayagan niyang medyo tanghaliin ang mga trabahador sa pagpunta foo ngayon dahil napagod ang mga ito kahapon.
Sigurado naman na naibyahe na kanina ang mga mangga na pinitas nila kahapon.
sa may dulo ng manggahan ay may isang matandang puno ng mangga may tree house.
Sa kanya iyon. Ipinagawa ng daddy niya noong bata pa siya.
Kapag napapagod siya sa trabaho sa farm ay doon siya nagpahinga.
Tambayan din niya ito noon kapag badtrip siya.
Sinadya niya ngayon na umalis ng bahay bago pa man sumikat si haring araw.
Iyon ay para iwasan na magkaharap sila ni Marco.
Hanggang ngayon ay napapaisip pa din siya kung natatandaan kaya nito na may naangyari sa kanilai noon.
Pero base sa ipinakita nitong reaksyon ng magkita sila ay tila wala man lang itong maalala.
Malas naman niya. First time niya iyon tapos lasing pa ito at tila nga hindi maalala ang lahat.
Humiga siya sa sahig ng tree house. May kutson doon na pang-isahan.
Hindi niya namalayan na nakatulog na pala uli siya.
"GOOD MORNING!" masiglang bati ni Crystal sa kanila. Nakadulog na sila sa dining table at handa na para kumain ng almusal.
Alas siete pa lang ng umaga.
"Manang, si Allorah?" tanong ni Dante sa kanilang kasambahay.
Napatingin ito sa kanila.
"Nakow ay natanaw ko kanina pa na nakagayak. Malamang ay nasa taniman na iyon o kaya ay pumunta sa manggahan. Hindi man lamang nga uminom kahit kape."
"Ganoon ba?" nasabi ni Dante. "Simulan na natin ang almusal. Malamang na mamaya na ang uwi ni Allorah.
"Kadayaan talaga ng babaeng yun!" nakangusong sabi ni Crystal. "Tito, ipasyal mo naman kami dito sa farm mo."
"Syempre naman. Ipinahanda ko na ang sasakyan natin. O baka mas gusto ninyong mangabayo tayo pagpunta doon?"
"Naku, Tito. Kung di lang ako buntis pwede sana kaso baka delikado," tanggi agad ni Aurelle.
"'Di ako marunong sumakay sa kabayo..." sabi naman ni Crystal.
"Sabihin mo, takot ka sa kabayo!" kontra ng bayaw dito.
"Heh!"
"Oh siya, sasakyan na lang ang gagamitin natin pagpunta doon."
At ipinagpatuloy na nila ang pagkain. Pagkatapos noon ay gumayak na sila.
May isang basket ng pagkain silang dala.
Ayon kay Tito Dante ay doon na sila manananghalian.
SA kamalig sila dumiretso. Manghang-mangha sila sa manggahan at sa nadaanan nilang taniman pa kanina ng papunta sila doon.
Ang lawak pala niyon. Ayon kay Tito Dante, ang manggahan lang talaga ang orihinal nitong lupain. Siguro ay may tatlo hanggang apat na ektarya di pa kasama ang kinaatitirikan ng bahay nito.
BINABASA MO ANG
Destined To Be With
RomansSi Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang ito. Hindi maganda ang una nilang pagkikita ganun din ang kanilang pahihiwalay... What will happen w...