3018 backs 1870
Chapter 10
Ang Ikalawang Halik
Olivia POV
Sa aking pag kakagising sa aking pag kakatulog ay mas gugustuhin ko na lamang na magising ng walang pagod at kahit mag lakad ako o mag kasakit na lamang kaysa sa makaramdam ako ng ganito
Halos gabi na at wala pa rin si pepe at nag aalala na ako at hindi mapakali sa aking kinatatayuan at labis na akong nalulungkot na sana ay bumalik na siya sa tahanan sapagkat delikado sa panahon na ito at napag babantaan ang kanilang mga buhay at ayaw ko ng mangyari iyon sa kanila
Nakita ko ang ginang na naka upo lamang at nananahi ng isang damit habang ako ay palakad lakad sa harap ng ginang ng pabalik balik sapagkat hindi ako mapakali kung nasaan na si Pepe huhu
“Ngunit bakit hindi mo mapigilan ang iyong sarili?” ani ni Ginang graciana
“Si pepe po kase eh” saad ko
“Pakiwari’y hindi namna siya katulad ng ganito sapagkat kailangan sa ganitong oras ay nandidito na siya” ani ng ginang
“Maaari po ba na makihiram ng inyong kabayo at tutungo lamang ako sa kaniyang paaralan” saad ko sa ginang
“Hija? Kaya mo na ba ang sarili mo?” saad ng ginang ng nakatitig sa akin at nangingilid ang kaniyang luha sa kabilang dako ng kaniyang mga mata
Lumapit ako sa ginang at hinawakan ang kaniyang kanang kamay at lumuhod sa kaniyang harapan at sinabing
“Hindi ko po kaya talaga ngunit sa ngalan ng aking pag mamahal ay kaya kong isugal ang aking damdamin at handa po ako kung ano ang maaari na mang yayari sa akin” saad ko sa ginang at niyakap ko siya
Nag palit ako ng damit at ginupit ko ito upang mas mukhang astig at pag kalabas ko sa aking silid ay nagulat si ginang
“kaawaan ka ng Diyos hija at bakit ganiyang ang iyong kasuotan at halos Makita na ang iyong kaluluwa” saad ng ginang na napatayo sa kaniyang kinatatayuan
“Hayaan ninyo ginang” saad ko
“Mag ingat ka hija at aking pag darasal ang iyong kaligtasan” saad sa akin ng ginang at niyakap ako
“Salamat ginang at ako ay inyong naiintindihan” saad ko sabay na pag pahid ng aking mga luha
“Hija may mga bagay talaga sa ating mundo na kailangan nalamang ay tanggapin na lamang sa ngalan ng pagmamahal” saad niya sa akin saby na hinawi ang aking buhok
Umalis na ako na mag isa at alam ko na kung saan ang aking pupuntahan sapagkat naka ilang beses na akong naka punta doon
Habang nag papaandar ako ng aking kabayo ay maraming nakatingin sa aking mga tao at maraming mga bata ang nag lalabasan sa kanilang mga paaralan
Sa sobrang ikli ng aking gupit sa aking damit ay labis na talaga akong pag titinginan sapagkat akala mo ay makikidigma ako sa isang digmaan kung makikita niyo lamang sa ngayon ang aking kasuotan
Papunta na ako sa paaralan nina pepe ngunit sa dami ng tao ay paiguradong hindi ko maipapasok ang kabayo sa dakong iyon kaya iniwan ko ito sa isang ligtas na lugar at nag lagay ng palatandaan
Nag lakad ako at nag tanong tanong kung saan ang paaralan ni rizal ngunit may isang espanyol na naman na gusto akong gahasain ngunit napigilan ito ng isang babae
“Detente o te meteré en la cárcel” saad nito ng matapang na ang ibigsabihin ay huminto ka o ipakulong kita
Walang naging imik ang espanyol at hinawakan ako ng babae at pumunta kami sa isang lugar na ligtas
BINABASA MO ANG
3018 backs 1870
Historical FictionPanahong 3018 babalik sa panahong 1870 Bilang law student nabanggit ng aking Proffesor na napalitan na ang pang bansang bayani ng Pilipinas at dahil diyan ay aking haharapin ang isang panahon na kung saan ay masusubukan kong mahalin at malaman ang...
