3018 backs 1870
Chapter 12
Simulan na ang Ligawan!
Olivia POV
“Masaya ako sa iyo Pepe na nakita mo na ang mag mamahal sa iyo at nagagalak ang aking puso na ang aking pinakamamahal ay nakatagpo ng mag wawakas sa pahina ng iyong buhay” saad ni Leonora na umiiyak at hinawakan ang mukha ni Pepe gamit ang kaniyang kanang kamay
Hindi ako maka galaw at hindi ko kaya na makapag salita sa harapan ng dalawa
Maraming nabuong tanong sa aking isipan at marami naring emosyon ay nag lalaho sa aking isipan at parang gumuho ang aking mundo na yung kinukwento pala ni Leonora sa akin na ang kaniyang pinaka mamahal ay ang aking pinaka mamahal rin
Kaagad na sumagot si Pepe sa kaniyang sinabi
“Sumasaksi ang kalangitan sa buwan sa kung papaano ang aking pag hihintay ay mapapalitan ng lumbay at sa aking pag mamahal sayo ay naipapakita ko na lamang sa aking pag papadala ng mga liham at telegrama ngunit sa totoo lamang hinintay kita sa iyong pag babalik ngunit sa hindi inaasahan ay dumating ang mag mamahal sa akin na hindi mapaliwanag ng kahit sino man na tao sa kalawakan ng daigdig” sabay na tumingin siya sa akin
“Marahil sa wakas ng kwento natin ay tatak sa akin ang kataga na iyong sinasabi sa akin na ako ay parang isang rosas sa isang dalampasigan sa kung papaano ang aking kagandahan ay siyang pinag mumulan ng iyong mga ngiti at hindi iyon mawawala sa akin” saad ni Leonora habang umiiyak sa harap ni pepe
“Nawa iyong maintindihan ang aking pag lisan sa iyong mga puso Leonora sapagkat naniniwala ako na may dahilan lahat n gating pag papagal sa mundong ibabaw ngunit hindi mawawala ang iyong ngalan sa aking puso at magiging mag kaibigan parin naman tayo” saad ni pepe na nag papaalam sa puso ni Leonora
“Mula sa aking mga puso ikaw Pepe ay aking ng pinapalaya at tatanggapin ang dapat kong harapin” saad ni Leonora na niyakap si Pepe
Habang sila ay nag kakayakapan ako naman ay napapa singhal sa aking pag iyak at natutuwa ako sa kanilang pag mamahalan at sa kanilang pag papalaya sa isat isa kaya nagagalak ang aking puso sa aking nakikita at animo’y natutunaw
Ngunt habang ito ay nangyayari ay kaagad na sumabat si mariano at nag lakad sa harapan ni Pepe at sinabing
“Pepe?” saad niya sabay na natapos ang pag yayakapan ng dalawa
“Mariano?” saad ni Pepe
“Marahil sa totoo lamang ay akin ng pinapalaya ko na si Olivia sa aking pag iisip sapagkat mayroon na nag paramdam na sa akin ng pag mamahal niya” saad ni Mariano
“Punyeta ka Mariano ngunit sino iyon?” sabay sabay kaming tumawa sa pag sasalita ni Pepe
“Isang magandang dilag na nag papalaya kahit masakit pa kaya walang iba kundi si Leonora” saad ni Mariano at hinawakan ang kamay ni Leonora
“Maaari ba binibini na ikaw ay aking saliwan ng mga kundiman upang masungkit ang iyong mga puso at sa medaling sabi ay akin kitang maligawan?” saad ni Mariano kay Leonora
“Oo Mariano ngunit nawa ay kayanin mo ang mag hintay” saad ni Leonora na nag patawa sa akin
Niyakap nila ang isat isa na naging dahilan ng aming magagalak na puso
“Guys siguro ay umalis na muna tayo sa lugar na ito sapagkat baka bumalik na ang mga espanyol eh HAHAHA” saad ko sa kanilang lahat
“Mayroon akong dala dala na kabayo na maari nating sakyan” pag prepresinta ni Leonora
BINABASA MO ANG
3018 backs 1870
Ficción históricaPanahong 3018 babalik sa panahong 1870 Bilang law student nabanggit ng aking Proffesor na napalitan na ang pang bansang bayani ng Pilipinas at dahil diyan ay aking haharapin ang isang panahon na kung saan ay masusubukan kong mahalin at malaman ang...
