3018 backs 1870
Chapter 13
Ang Awitin ni Jose
Jose POV
“Marahil dapat natin ng bigyang pansin ang kanilang mga puso Mariano” saad ko ng may pag ngiti sa aking mga labi
“Handa na akong mag karoon ng dahilan upang ngumiti muli Jose” singhal na saad ni Mariano
“Ngunit saan mo ba nakilala ang dilag na aking minamahal sa ngayon?” pag aangkin ko na tanong kay Mariano
“Batid ko na ikaw ay mas masasaktan aking kaibigan?” saad niya sa akin na may pag tawa
“Maaari ko ba malaman?” saad ko
“Noong panahon na iyon ay galing ako sa ating silid upang tapusin ang propaganda ngunit pag katapos ko na gawin iyon ay umuwi na ako sa aming tahanan ngunit nahagilap ng aking mata na may ibang ginagawa sa binibini na aking labis na ikinabahala kaya akin siyang isinama sa aming tahanan upang doon muna siya tumuloy” saad ni Mariano na napahiga sa kaniyang higaan
“Ngunit bakit napaibig mo si Leonora?” saad ko
“Kagaya lamang din kaibigan sa aking nabanggit kanina kay Olivia na nasagip ko siya sa kapahamakan kaya mas napukaw ang aking mga mata sa binibini” saad ni Mariano na animo’y mala rosas ang mga mata
“Bago pa lamang sumikat ang araw ay nakapag handa na dapat tayo ng ating mga kakainin sa ating inihanda na gayak para sa kanila sa isang isla” saad ko at napahiga na sa aking higaan
“Kakausapin ko nalamang mamaya ang aking Ina upang matulungan tayo sa ating gagawin” saad ni Mariano
Leonora POV
Nakahiga na kami ng nakilala ko na binibini sa aming higaan at nag uusap sa nakaraan namin ng aking dating pinaka mamahal na si Rizal
Ngunit pakiwari’y ko ay may iba sa binibini na aking nakilala sa ngayon na nag ngangalang Olivia
Batid ko ay iba siya sa aming mga Pilipino sa kaniyang pananalita at kaniyang mga iniiisip at labis ako na napapaisip sa aking isipan
Marahil na pag uusapan namin ang mga maaaring mangyari pag katapos ng rebulusyon na ito at maaari ba na mapalaya ang ating bansa sa mga mananakop?
ngunit nagulat ako sa kaniyang imahinasyon niya sa hinaharap
“Alam mo ba na aking iniisip sa ngayong panahon na ito na nakapag naging Malaya na ang bansa natin ay maraming mga gadget ang sisibo-” pag putol ng kaniyang pananalita dahil sa aking pag tatanong
“Ngunit binibini iyong pag pasensyahan ang aking itatanong ngunit ano ang salitang gadget?” aking pag tatanong na nag hahanap ng kasagutan
“Ah eh ang aking ibig sabihin ay maraming mga teknolohiya ang maaring maimbento katulad ng mas mapapadali ang komunikasyon sapagkat sa hinaharap ay maari nilang magawa ang isang teknolohiya upang mag karoon ng mabilis na komunikasyon sa isat isa saan kapang panig ng mundo naroroon” saad niya na labis akong mas namangha
“Tanong ko lamang binibini ngunit maaari ba na mangyari iyang gadget?” pag tatanong ko sa kaniya sabay na ako ay humikab
“Aba eh oo naman basta lagi mo lamang tatandaan na walang imposible kung maniniwala ka Leonora ha?” saad niya sa akin na nag paluha ng aking mata
“Maraming salamat binibini at marahil mabilis sisikat ang araw bukas kaya atin ng ipikit ang ating mga mata upang mas maging buhay ang ating mga diwa bukas binibini kaya binibini magandang gabi” saad ko sa kaniya at sinubukang ipikit na ang mata
BINABASA MO ANG
3018 backs 1870
Historical FictionPanahong 3018 babalik sa panahong 1870 Bilang law student nabanggit ng aking Proffesor na napalitan na ang pang bansang bayani ng Pilipinas at dahil diyan ay aking haharapin ang isang panahon na kung saan ay masusubukan kong mahalin at malaman ang...
