Bagong Kaibigan

3 2 0
                                        

3018 backs 1870

Chapter 14

Bagong kaibigan

Caution: Matured Content

Olivia POV

Hindi ko na alam ang aking gagawin kung pipigilan ko pa ba ang aking nararamdaman sa ngayon ngunit ang aking iniisip ngayon ay kung papaano mas magiging kasing halimuyak ng bulaklak ang daloy ng aking buhay

Matapos niyang kantahin ang awitin ay agad niyang binaba ang gitara at sinimulang ilapit ang kaniyang mukha sa aking harapan at dahan dahan niyang tinitigan ang aking labi

Pumapalapit na ang kaniyang mga labi sa aking labi hanggang sa tinuloy na niya akong halikan na naging dahilan ng pag pikit ng aking mga mata

Habang sina Mariano at Leonora ay nag kayakap at pinag lapit din ang mga labi na naging dahilan ng kasiyahan namin at tanda ng pag mamahalan ng bawat isa

Dahan dahan kong inalis ang aking labi sa kaniya at may pumatak na luha pag katapos nito

“Tara na kumain” saad ko at sabay na pinunasan ang aking labi

“Sa mala rosas mong mga labi na humahalimuyak ay tanda sa panahon lamang na ito ko lamang ito naranasan” saad ni Jose

“Kasing saya ng mga ibon sa himpapawid ang aking nararanasan sa panahon na ito binibining Leonora kaya ang puso ko ay nasa sa iyo” saad ni Mariano kay Leonora

“Ikaw Ginoo ay labis kong ikinatutuwa na tayo ay pinag tagpo ng kalangitan” saad ni Leonora habang naka titig ito sa kaniyang pinaka mamahal

Pag baling ng aking tingin kay Jose ay nakatitig lamang ito sa akin at na pa munghalit ako ng malakas na tawa

“HAHAHAHA” saad ko ng malakas

“Bakit ka tumatawa Olivia?” napaalis ang kaniyang tingin sa akin at nag simulang ihanda ang mga pag kain na aming kakainin ngayon

“Wala lang HAHAHA basta tayo na maligo sapagkat napaka ganda ng daloy ng tubig” saad ko

“Kumain muna tayo binibini upang maganda ang ating pag tatampisaw sa ilog” saad sa akin ni Leonora

“Sure!” saad ko

“S-sure?” saad ni Mariano

“Ah eh ang ibig sabihin ko ay halina’t kumain” saad ko sa kanila

“Halina’t kumain na upang hindi tayo malipasan ng gutom at ihahatid pa natin si Leonora sa kanilang tahanan” saad ni Jose

“Ako nalamang Jose ang mag hahatid sa kaniya upang malayo kayo sa kapahamakan at alagaan mo na lamang si Olivia upang sa ganoon ay alam natin ang kaligtasan ng bawat isa” saad ni Mariano sabay na sumulyap sa mata ni Leonora at sabay na hinawi ang buhok ng Binibini

“Kung ano ang iyong batid mariano” saad ni Jose

“Nagagalak ako na makilala kayo at salamat sa pag tanggap niyo sa akin sapagkat sa pag kakataon na ito ay napalawak natin ang pag kakaibigan at pag mamahalan namin ni Mariano” sabay na yumakap at tumitig sa mata ni Mariano

Kumain na kami at nag kwentuhan upang mas lumawak pa ang aming samahan

Nangunguna ang aking boses habang kami ay nag kwekwentuhan sa aming nakaraan at nag kantahan gamit ang gitara ng dalawa

“Huu! Tayo na maligo” saad ko sa kanila

Dali daling tumayo si Mariano at Jose at sinimulang hubarin ang kanilang mga pananamit

3018 backs 1870Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon