Part 2

25 2 0
                                    

SUNOO'S

I blushed shuta.

Hindi kaagad gumana braincells ko kaya nakatitig lang ako sa kanya for a few seconds. Buti nalang hindi siya na-weirduhan saakin.

Ako? Bakit niya ako hinahanap? Bakit ako? Akala ko ba si Ni-ki?

"Bakit ako? Akala ko si Riki?" Tanong ko sakanya.

Kumunot ng konti yung noo niya. "Ikaw nga hinahanap ko?" Patanong na sagot niya saakin. Hindi pa siya sigurado.

"Hindi ba si Riki hinahanap mo, kuya?" Mas naguguluhan kong tanong. Edi mas lalong kumunot noo niya.

"Dance club member. Nishimura Riki." Sabi ko pa.

"Hindi ba ikaw yun?"

"Uh. Hindi?" Sagot ko.

May kinalkal siya sa bulsa niya saka siya may binasa dun. "Ikaw si Sunoo?"

Nagtaka naman ako kung anong hawak niya kaya kinuha ko kamay niya saka ko tinignan. "Yung nametag ko!"

Napansin kong natahimik siya kaya naman napatingin ako sakanya. And that's when I realized na hawak ko pala yung kamay niya.

Kaagad akong napabitaw.

"Sorry," Mabilis kong sabi. He cleared his throat bago niya inabot saakin yung nametag ko.

He smiled. "Hi, Sunoo."

Nagreplay sa utak ko yung pagkakasabi niya ng pangalan ko.

Hi Sunoo. HI SUNOO?!!

Ang gwapo ng boses bakit naman ganon???

"Salamat..." Sabi ko saka ko dahan-dahang inabot yung nametag ko.

"So...yun lang." Nilagay niya na yung kamay niya sa isang bulsa ng pants niya, and his other hand...patted me on my head.

?!?!?!?!?!?!?!?! PARA SAAN YON????

TEKA GRABE. NAGPAPANIC NA MGA UOD KO SA TIYAN!!!

Narinig ko na ang mga yapak niya papalayo, and patuloy lang yun na nag-eecho sa tenga ko.

So ganito nalang yon? Hindi na ba kami magkikita ulit?

The end na agad?

"Kuya!" Tawag ko sakanya saka ako tumakabo pa ana ng hagdan.

Tumigil naman siya sa paglalakad at nagtatakang tumingin saakin.

"Gusto mo po mag-lunch?"

SUNOO'S

"Hmm?" Sunghoon asked.

"Lunch? I mean, lunch bukas kasi tapos na yung lunch ngayon." Sabi ko kaya medyo natawa siya.

"Para saan naman?"

"Sorry kasi naabala kita kahapon, and thank you for paying my fare." Pag-eexplain ko.

I shrugged. "Or not. Baka kasi busy ka. You know, student council things. Anyway, thank you ulit sa pagsosoli." Sabi ko saka ko ulit pinakita yung nametag. Mabilisan ko yun nilagay sa uniform ko at nakatingala lang naman siya sakin. Pababa na kasi siya ng hagdan.

"Ayun, nakabit na, hehe." I awkwardly laughed. Bakit ko ba kasi siya inaya maglunch? Close friends yarn? Close kayo?

Pinunasan ko yung naramdaman kong pagtulog ng butil ng pawis sa noo ko.

"Bye na, kuya." Sabi ko nang lumipas ang ilang segundo na magkatitig lang kami.

Pabalik na sana ako sa classroom namin nang magsalita siya.

Pwede Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon