Part I.

54 2 0
                                    

SUNOO'S

"Ni-ki!" Mabilis kong kinaway ang kamay ko para makuha ko ang atensyon niya.

"Sunoo!" Masaya niya ring sigaw saakin habang tumatakbo palapit.

"Nyeta ka, 7 o'clock na nasa Mcdo ka pa." Sermon niya saakin habang sabay kaming naglakad papasok ng Mcdo.

Pabiro ko siyang binatukan. "Eh anong tawag sayo?"

Natawa nalang kami pareho.

Ilang minuto rin kaming nakapila kasi ang daming tao. Mostly galing din sa school namin. Karamihan college students na 9 am pa magsstart ang klase.

Nang isang tao nalang bago kami sa counter, marahas na hinila ni Ni-ki yung uniform ko.

"Huy gagi, may recitation daw sabi ni Jungwon!" Nanlalaking matang sabi ni Ni-ki kaya nataranta na rin ako.

"Ha? Nandon na si ma'am?! Diba laging late yon?" Nagpapanic kong tanong sa kanya, tapos si Ni-ki naman, mukhang nagpapanic na rin kasi hindi niya yata ako naintindihan.

Mabilis niya akong hinila palabas ng Mcdo habang dikit ang mata sa screen ng phone niya, but I guess some things really does happen for a reason.

One second I'm running with Ni-ki, and the other second, naramdaman ko nalang na may malakas na pwersang tumama saakin.

At mainit na kape sa balat ko.

"Ouch! Ang hot!" Daing ko kaya napatingin saakin si Ni-ki.

"Bakit kasi kayo tumatakbo?" Iritadong tonong tanong ng nakabangga saakin.

Hindi ko mabuksan mga mata ko! Tumama sa mukha ko init ng kape!

"Gaga, 5 minutes daw sabi ni ma'am sa mga wala pa sa room!" Sigaw ni Ni-ki saakin atsaka niya ako hinila ulit.

I didn't even get the chance to say sorry sa nakabangga ko.

SUNGHOON'S

Hindi ko alam kung ako lang, pero parang ang sama ng gising ko ngayong araw.

Una, nasira kotse ko. Nagcommute pa ako papuntang school. Ang hirap sumakay. Punuan lahat ng jeep at bus.
Rush hour kasi pag umaalis ako ng bahay.

Tapos pangalawa, natapunan pa ako ng kape dahil may nakabangga sakin.

Kaya ko pa sana kung iced coffee matatapon sakin, pero hindi, eh. Mainit-init pa yung kape. Napaso pa pisngi ko.

Sana pinalamig niya muna yung kape bago ako banggain, diba?

Tumingin ako sa relo ko. 8 minutes nalang bago magstart klase ko. Usually 15 minutes late lagi yung prof namin kaya makakaabot pa ako.

Hinugasan ko ng isa pang beses ang mukha ko, at dun ko lang naramdaman yung hapdi sa kaliwang pisngi ko dahil sa paso.

"Hay..." Pagbuntong hininga ko nalang.

I was about to go out of the restroom nang may napansin ako sa salamin na nakasabit sa uniform ko.

I looked closely at the mirror.

Saka ko palang tinanggal kung ano man yon nang mapagtanto ko na nametag yun ng school namin.

Inayos ko ang tayo sa harap ng salamin at ilalagay ko na sana sa uniform ko nang mabasa ko ang pangalan.


SUNOO'S

"Teh, bilisan ang takbo, teh!" Sabi saakin ni Ni-ki dahil nahuhuli na ako sa kanya.

Medyo mahapdi pa rin nga ang mukha ko, ni hindi man lang ako nakapaghilamos kaya hindi ko mabuksan-buksan mata ko.

Pwede Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon