Part 3

18 2 0
                                    

SUNOO'S

"Kuya!" Sigaw ko habang pababa ako ng hagdan.

Thankfully, naabutan ko pa siya. "Oh? Sunoo?" Tanong niya pagkalapit ko sa kanya. Napatingin naman saakin yung babae.

Naramdaman kong tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, pero hindi ko nalang siya pinansin. "Nahulog mo," sabi ko saka ko inabot yung papel.

He stared at it for a moment, tapos saka niya lang narealize na yun ang listahan niya.

Kinuha niya yun sa kamay ko saka niya yun binuksan. I was about to leave pero tinawag niya pangalan ko.

"Bakit, kuya?" I asked, smiling.

He looked nervous. May butil ng pawis akong nakitang nagslide mula sa noo niya.

Tumawa siya, pero awkward yung tunog na kinalabasan sakin. He looked at the girl, and at me bago siya magsalita. "Binasa mo ba to?"

I nodded. Listahan lang naman yun ng mga kailangang bilhin...at...

"Nakita mo?" Paninigurado ni Kuya Sunghoon.

Ngumiti ako.

"Yung listahan pa ba tinatanong mo, kuya?" I asked, still smiling. Para mang-asar? I don't know.

O nakangiti ako kasi kinikilig ako? "O tinatanong mo kung nakita ko yung lettering mo ng pangalan ko?"

SUNOO'S

Nasa nbs ulit ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nag-assume akong ngayon niya bibilhin 'yung nasa listahan niya kanina.

But I guess sineswerte talaga ako ngayong araw.

I saw Kuya Sunghoon walking towards nbs. So I got into my position at nagkunwari akong bumibili ng sign pens.

And after a few seconds, "Sunoo?"

I looked at him. Nagkunwari pakong gulat na nagkita ulit kami. "Oh? Kuya!" Ngumiti ako.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya Kuya Sunghoon. Pinakita ko naman yung mga sign pens na nagustuhan ko.

"May ginawa ako, kuya. Lika rito," Sabi ko sakanya saka ko siya hinila sa braso. Mabilis naman siyang sumunod.

"Ta da!" Proud kong sabi. Nakangiti pa ako, ha. Lahat ng ngipin ko nakalabas.

Tinuro ko yung papel para sa mga pen tester. Naglettering din ako dun ng pangalan niya. "Naglettering din ako ng pangalan mo!"

He didn't deny it, though. So I smiled even wider at the thought. Natawa siya sa pinakita ko sa kanya.

Good heavens. Nakakainlove siyang tumawa.

"Wag kang tumawa, nagiging cute ka," Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Agad naman siyang natigil sa pagtawa at gulat na napatingin sakin. "Ha?"

"Wala nang ulitan. Bingi ka." Sabi ko saka ko sinubukang punitin yung lettering ng pangalan niya sa papel.

"Huy! Anong ginagawa mo?!" Gulat niyang sabi. Hinawakan niya magkabilang braso ko para pigilan ako.

"It's okay!" I protested. Recycled paper lang naman to. Kung pagalitan ako ng nbs, edi babayaran ko!

"Huy!" Pigil niya parin sakin. Pero wala na siyang nagawa nung napunit ko na.

"Ang kulit."

"Sorry po," Natatawa kong sabi.

SUNOO'S

Kuya Sunghoon didn't reply after. Nagrereview siguro. Kasabay ng papalapit na foundation week, midterms muna. Senior high mauuna tapos college. Then announcing of ranking bago yung event.

Pwede Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon