Part 11

7 2 0
                                    


SUNOO'S

"Bye Won, bye Riki! Ingat!" Sabi ko sakanila saka ako kumaway ng wagas. Si kuya Sunghoon sa tabi ko, ginaya ako habang nakatingin kami kila Won na sumakay sa magkaibang sasakyan.

Nakita ko pa silang tumawa bago magsara ng pinto.

Nauna na rin kasing umuwi sila ang ibang mga kuyas, at kagaya ng dati, kami ni kuya Sunghoon ang magkasama.

Not that I'm complaining though. I actually enjoy his company kahit minsan ako lang ang nagsasalita. He's willing to listen. Ako pamandin yung tipo ng tao na sobrang daldal. Kahit ano talaga makkwento ko.

"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ko sakanya saka ko siya hinarap. Kuya Sunghoon shrugged.

Ah. Ayaw pa nito umuwi.

"Ako rin, eh. Ayaw ko pa." I pursed my lips. "Gusto mo ice cream?" I immediately asked him saka ako nagtaas-baba ng kilay.

Natawa siya saakin--o baka natawa siya sa mukha ko?? --he grabbed my face saka niya yun marahang inalog.

"Argh, ang hilig mo mga sa ganyan," Reklamo ko saka ko inayos yung buhok at uniform ko. Tumaas kasi yung polo ko habang inaalog niya ulo ko.

"Cute mo kasi." Sabi niya saka na siya naunang maglakad.

I stopped for a moment. Sinusubukang i-process ang kakasabi niya lang, and then a smile crippled upon my lips.

Ewan ko, but I really liked being complimented. Lalo na pag galing sakanyaㅡkay kuya Sunghoon.

Bakit hindi pa ako nasasanay? Literal na lagi niya akong sinasabihang cute pero lagi nalang akong kinikilig.

Sinasabihan niya rin kaya lagi ng cute ang aso niya? Kung oo, gusto ko nalang tuloy maging aso.

Tumakbo na ako papalapit sakanya saka ako tumalon bago siya akbayan. Medyo na-out of balance pa nga siyaㅡI mean kami.

Parang kumawala sandali sa dibdib ko yung puso ko dahil sa kaba. Ganun na ako kabigat?

"Mahuhulog tayo niyan, eh," Panenermon niya, pero hindi naman siya seryoso. He was laughing actually. Sermon with love siguro?

Nakatingkayad ako sakanya kaya magkalevel ang mga mata namin. With what he said, I looked at him straight in the eyes and said, "Ako...matagal nang nahulog, kuya. Eh ikaw? Kailan?"

SUNOO'S

Nakaupo kami ngayon ni kuya Sunghoon sa may park malapit sa school. Tuwing hapon, maraming mga estudyante ang tumatambay rito, pero dahil malapit na mag-gabi, bilang nalang mga tao.

Parehas lang kaming nakatingala sa langit. The sky was a pretty color combination of orange, purple, pink and blue. Lumalabas na rin ang kalahating parte ng buwan, pati mga tala.

Gusto kong sulitin itong oras na meron kami. I wanted to take advantage of the beautiful sky and this moment with kuya Sunghoon. Gusto kong kwentuhan niya ako ng buhay niya.

I was about to ask him random things about his childhood, but he was the first one to speak.

"May gagawin ka bukas?" Tanong niya saakin.

Kumurap ako. "Uh...wala naman...yata?" Sagot ko. Hindi pa ako sigurado. "Bakit?"

"Aayain sana kita lumabas." He casually said.

Napakagat ako sa labi ko, sinusubukan kong pigilan ang pagngiti ko. "Bakit?" I asked again, but this time, I swear halata sa boses ko yung excitement ko.

"Ay, excited ka. Wag na nga." Kuya Sunghoon sensed my excitement kaya binawi niya. Umiwas pa siya ng tingin saakin para itago na natatawa siya pero umaalog naman mga balikat niya.

Pwede Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon