Part 4

17 1 0
                                    

SUNOO'S

We ate outside 7-11. Nag-insist pa si Kuya Sunghoon na sa may bagong bukas na ice-cream parlor pa kami kumain pero um-ayaw na ako kahit na gusto ko. Pero hindi rin naman ako maarte kaya dito nalang. Sinisipag ako magreview ngayon. Uuwi akong maaga. Pagsubok lang to.

"Gusto mong turuan ulit kita?" He offered saka siya dumila sa ice cream niya.

"Wala bang kapalit yan?" I joked.

"Meron. 5k per hour rate ko." He said with a straight face. Muntik nakong mabilaukan.

"Ang mahal naman! Dinaig pa professional tutors," I scrunched my nose.

"Qualified naman ako?" He laughed. "Top student. President pa ng sc. Pasok na pasok. Hmm?" Sabi pa niya, pataas-baba pa siya ng kilay.

"Pahiram nalang ng brain. Babalik ko rin, promise." I said instead.

"Mas mahal rate ng brain ko. 10k per hour." Dumila siya sa ice cream niya saka siya tumingin sakin. "Ano? Kunin mo na ba?"

I didn't comment on his last remark. Kinain ko nalang yung ice cream ko. Despite our silence, ramdam ko na nakangiti pa rin siya.

So I tried to open a topic. "Civil engineer ka, diba?"

"Oh, bat nawala yung 'kuya'?" Bat ang hilig niya mang-asar ngayon? Ano trip niya sa life? Minsan seryoso minsan maloko?

Nakita niya siguro ekspresyon ng mukha ko kaya natawa siya. "To answer your question, yes. Bakit mo natanong?"

"So nag STEM ka nung senior high?" Tanong ko. Tumango naman siya.

"Ah..." Ah...ganun lang? Anong sunod, mare? Ikaw nauna nagtanong? Anong sunod don?

Sunoo.exe stopped working.

"Nasan roots mo?"

Okay. Anong sinabi ko? Ano raw? Ano yun? Joke ba yon?

SUNGHOON'S

"Roots!" Tawag ko kay Sunoo na naunang naglalakad ngayon. Pabalik na kami sa school para mag-abang ng masasakyan.

He kept on walking. Nagmadali nalang ako maglakad para maabutan siya. "Roots!" Natatawa kong tawag sakanya.

"Tama na, please lang." Sabi niya saka na siya naunang umupo sa waiting shed saka tinakpan niya yung tenga niya.

"Bakit? Ayaw mo na? Nagsawa ka na? Ayaw mo na sakin?" I joked. Umupo ako sa tabi niya saka ko pinilit na alisin yung pagkakatakip ng tenga niya.

"Sige sige," I gave up. "Seryoso na. Hindi na, hindi na." Sabi ko saka na ako umupo ng maayos.

Sunoo looked at me suspiciously habang dahan-dahan niyang inaalis pagkakatakip niya sa tenga niya.

We stayed quiet for a minute bago ko ulit ako nagsalita.

"Anong pangarap mo?" I asked.

"Wow, nagiging deep na tayo, ah." Nakakalokong tono niyang sabi. "Deep talks na ba ang level ngayon?"

"Sira, I just want to know you." I reasoned. Kinuha ko mga libro niya saka ako nagbrowse don. May iilang scratch paper na nakaipit so I assumed na sinubukan niya nang sumagot, pero walang tama.

"Attorney siguro," he shrugged.

"Ah, okay. Basta wag kang maging comedian, ha." Sagot ko, referring sa joke niya kanina.

Pabiro naman niyang binangga yung braso ko kaya natawa ako ng konti. Well, his joke was not that bad. To be honest, natawa naman ako. But the joke was so random kaya natawa ako.

Pwede Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon