Part 17

13 1 0
                                        

SUNGHOON'S

I hurriedly went back to my lockers para kuhanin ang bag ko. Muntikan pa nga akong matisod kasi nagmamadali akong bumaba at baka maabutan ako ng prof namin.

Sunoo was patiently waiting for me at the waiting shed.  Pinaglalaruan niya ang mga daliri niya habang nakayuko, at nang makalapit na ako sakanya, I held out my hand saka ako ngumiti.

"Tara?"

He looked up at me, at bumalik nanaman ang liwanag sa mga mata niya. Patalon siyang tumayo saka niya kinuha ang kamay ko. "Tara!"

Magdidilim na nang makarating kami sa perya. Hindi pa bukas ang peryahan. Pero naghahanda na ang mga taong nagttrabaho dun para sa dagsa ng mga tao maya-maya.

"Horror train tayo kuya, ah."

I chuckled. "Okay."

"Tapos sakyan natin 'yung octopus!" He added.

I was just looking at him. "Okay."

Hinila niya ako para makalapit kami ng konti sa entrance. Sinubukan niyang sumilip sa loob at nagliwanag ang mga mata niya nang may makita siyang gusto niya. "Tapos 'yun! Magbaril-baril tayo mamaya!"

I ruffled his hair. "Lahat ng gusto mo, sige, gagawin natin."

Akala ko magsasabi pa siya ng kung ano-ano, but he turned to face me, saka niya ako tinitigan ng maayos.

Biglang nawala 'yung ngiti sa labi ko, and I could feel my heart pounding. His eyes reflected the lights on the carnival. It was full of colors.

Lumunok ako.

"Thank you, kuya."

"Hmm? For what?"

Sunoo shrugged saka niya ako pabirong sinuntok sa braso ko. Kumurap-kurap ako.

"Haha, wala lang," He laughed awkwardly. Kumunot ang noo ko. Bakit siya nahiya bigla?

Kikiligin na sana ako, eh. Yung momentum wala na. Sunoo naman kasi nanununtok.

"Bakit nga?" I nudged him. Kukulitin ko talaga siya. Kasi kung hindi niya ako sinagot, hanggang bukas ko 'to iisipin.

"Kulit. Wala nga," Natawa siya. "Tanggapin mo nalang kaya ang 'thank you' ko?"

I was about to say na hindi ako basta-basta tumatanggap ng thank you lang as a joke, pero bigla namang bumuhos ang malakas na ulan.

SUNGHOON'S

"Ay hala, umuulan," Sunoo said under his breath.

"Hindi, Sunoo. Hindi." I joked. "Baka umaaraw."

"Namilosopo ka pa," Umirap siya pero siya rin ang humila saakin papunta sa malapit na tindahan para pwede naming pagsilungan.

"Ang epal naman," Komento ni Sunoo nang makasilong na kami sa tindahan. Sarado yung tindahan kaya medyo madilim kung saan kami nakasilong. Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya.

I looked at him. "Malungkot ka?"

Sunoo shrugged. "Titila rin 'yan." He answered saka siya lumapit saakin.

Akala ko nga kung anong gagawin niya, pero inalis niya ang pagkakatupi ng panyo niya saka niya pinunasan ang mukha ko.

I was a bit taken abackㅡI was stunned.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko as he moved onto my hair. Medyo marahas niyang pinunasan yung buhok ko kaya naramdaman ko ang pag-alog ng ulo ko.

"Pinupunasan ko baby ko," He said casually.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pwede Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon